From: Lablab ❤ Stay away from Zedrick. Gonna see you after my class. Napangiti ako sa text niya at nagtipa ng reply. To: Lablab ❤ Opo. Salamat sa paghatid! Ingat Muntik nang tumilapon ang hawak kong phone dahil sa estudyanteng tumakbo at nasagi ako. Tumingin ako sa paligid at nagulat ako sa nagtatakbuhang estudyante. Ano na naman kayang meron? Sana hinatid nalang ako ni Von hanggang classroom ko. Nakakakaba tuloy. Sinundan ko ang takbo ng mga estudyante pero bago yon ay may humarang na tatlong babae sa harap ko. "Not innocent after all." inirapan nila ako at iling iling na parang dissapointed sa hindi ko malamang dahilan. Dinaanan nila ako at binangga ang balikat ko. Hindi ko alam kung anong sinasabi nila. Anong problema? Patakbo akong pumunta sa bulletin board kung saan maramin