"How can she marry someone she just met Leonardo?" sigaw ni mommy kay daddy.
"She can handle it! I know that boy, he's son of Cherto Del Valle." nabagsak ni mommy ang baso.
"What?! Are you even serious?! Ipapakasal mo ang anak natin sa lalaking yon?!" sigaw ni mommy. "Hindi ibig sabihin ay friend mo yon ay papayag nalang ako ng basta basta. No!"
"Ask your daughter. Bakit ba galit na galit ka sakin?" bago pa sila mag away ay sumingit na ako.
"Mom? Dad? Nag aaway po ba kayo?" sabay silang napatingin sakin.
"Briana! Ano bang pumasok sa kukote mo at bumigay ka sa isang lalaking ganon?" napaisip ako saglit.
"Mabait po siya tsaka gwapo siya." nakangiting sabi ko. "Mahilig din siya sa hello kitty."
Humawak si mommy sa ulo niya at umiling. "Stop it, Veronica. Hindi naman siguro nila gagawin yon kung hindi nila gusto ang isa't isa diba?" mahinahong tanong ni daddy.
"No. I know children nowadays. Masyadong mapusok! Paano nalang kung mabuntis ang anak natin?" napangiwi ako at napasimangot sa sinabi ni mommy.
"Hindi naman mommy." sinamaan niya ako ng tingin.
"Anong hindi? You don't know anything about marriage. Nag aaral ka pa and yet magpapakasal ka na." ngumuso ako at yumuko.
"After ilang years gagraduate na po ako."
"That's not it! Paano nalang kung mabuntis ka?"
"Kapag po ba nagpakasal pwedeng mabuntis?" takang tanong ko.
"Of course!" napapikit ako sa sigaw ni mommy.
"Ahh. Ganon pala.." tumango tango ako. "Paano naman po ako mabubuntis?" pumikit ng mariin si mommy at hinampas si daddy sa balikat.
"Tingnan mo na! Tingnan mo na! You think she can be a wife in her age? Ganyan ang mind set niya? Paano nalang kung saktan lang siya ng lalaking yon? You're a father! How calm can you be?" bumagsak ang dalawang balikat ni daddy at nagsalita.
"Ikaw lang naman tong highblood. Veronica what if mabuntis nga siya? You think he can handle that alone? Of course kailangan siyang panagutan ng lalaking yon. Masyado kang kabado dyan. Kalma hon." alo sa kanya ni daddy.
Ang weird naman ng topic nila. Buntis buntisan. "Pasok na po ako sa school mom, dad!" paalam ko at humalik sa kanilang dalawa. "Bye po. Muah!" sabi ko at masayang nagalakad palabas.
"Bria?" napahinto ako at napalingon sa tawag ni dad. "Your wedding with Von will be next month. The sooner the better." halos mabingi ako sa lakas ng sigaw ni mommy.
"WHAT?!" ngumiti lang ako at tumango kay dad.
"Okay po dad! Sasabihin ko po kay Von!" ngumiti ako bago tumakbo palabas.
*bzzt bzzt*
From: +639xxxxxxxxx
Stay in your house. I'll fetch you.
Napakunot ang noo ko sa text at nagreply.
From: +639xxxxxxxxx
Ayoko nga. Sorry, hindi na ako naniniwala sa mga text ngayon. Sabi ng mommy ko dont text to strangers. Isa kang malaking scam. Don't text me!
Hmp. Kala ng taong yun maloloko niya ako. Hindi na ako naniniwala sa mga text text ngayon.
Unknown Number Calling...
+639xxxxxxxxx
Ang kulit nito. "Hello?"
[What the hell are you saying? Where are you?] agad kong namukhaan ang boses ni Von.
"Hala? Von ikaw yung nagtext?"
[Obviously.]
"Ahh. Akala ko ibang tao. Nasa bus station ako eh. Kasabay ko sila--"
*toot toot*
Napatingin ako sa phone ko. Binabaan ako? Hmp. Tumingin ako sa orasan ko dahil antagal nila Maxine. Nasaan na ba ang mga yun?
Kinuha ko ang phone ko at ngresearch muna.
How to be a perfect wife?
Napakaraming lumabas at yung una ang pinaka pinindot ko.
Cook for him.
Patay hindi ako marunong magluto.
Kiss him always. (Before and after you wake up)
Ah. Goodmoring kiss at goodnight kiss. Meron pa palang french kiss. Hihi.
Understand his thoughts. (Don't fight too much)
Noted.
Give him a massage.
Dapat parin palang matutunan kong maging masahista. Ang hirap naman.
Tell some jokes.
Magreresearch ako para dyan.
Be yourself.
Okay!
Watch movies with him.
Movie date? Maganda yung mga fairytales at si hello kitty. Panigurado favorite niya yun.
Always go out on dates. (Even if you're married, go out with him.)
Ahh ganun pala.
Make him happy in bed.
Paano naman ito? Maglalaro kami sa kama? Siguro hampasan ng unan. Baka ganun.
Give him babies.
Paano ko naman to gagawin? Ang hirap!
Napanguso ako. Mahirap pala ang mga ways para maging good na wife. Gagawin ko ito lahat after ng wedding. Pipindutin ko na sana ang home screen ng phone ko nang nakita ko ang isang title na 'Endearment for you husband'
Pinindot ko ito at makita ko ang isang article about Top 5 na mga tawagan ng mga bagong kasal na couple.
Baby
Honey
Sweety
Love
Darling
Ahh. Kailangan pala may tawagan. Parang ang cute kapag unique. Hmm. Cutie patootie? Chums chums? Ruru? Krookroo? Chocolate caramel sundae? Hot choco milk? Super sweet strawberry ice cream? Haays. Ano kaya?
Ah! Napangiti ako sa naisip ko.
Napatigil ako at napatayo nang makita ko ang motor ni Von na papalapit sakin. Napangiti ako dahil alam kong motor nya yon. Nakahelmet siya at nang tinigil niya ang motor niya ay hinubad niya ito at lumapit sakin. "Hi Lablab!" masayang bati ko.
Kumunot ang noo niya at walang sabing sinuot agad sakin ang helmet. "Ang sungit mo lablab."
"Stop it." napasimangot ako sa iritasyon ng boses niya.
Sabi sa research ko. Understand his thoughts. Baka may pinagdadaanan lang siya sa life niya. Umangkas na siya at sumunod lang ako. Yumakap ako sa bewang niya at sinilip ang reaction niya.
Poker face.
Pinaandar niya ang motor at hindi lang man nagsasalita. Hindi kaya mapanis palagi ang laway ko kapag kasama ko siya? Sungit niya kasi.
After mga 30 minutes ay malapit na kami sa school nang bigla niyang tinigil ang motor. "Baba." kahit nagtataka ay bumaba ako.
"Bakit? Wala ka ng gas?" kinuha niya ang helmet sakin bago nagsalita.
"Lakarin mo nalang papuntang school." napanguso ako.
"Bakit?"
"Ayokong may makakitang magkasama tayo." nalungkot ako sa sinabi niya. Sobrang init at tirik na ang araw. Isang kanto pa bago ko marating ang LU.
Ngumiti nalang ako. "Sige. Ingat ka!" nauna akong naglakad. Ang alam ko nalang ay dumaan ang motor niya sa harap ko at nagdiretso papuntang school.
Hindi ko alam kung bakit mabigat ang pakiramdam ko. Bago lang ito sakin.
From: Cutie Maxine
Nasaan kana? Wala ka sa waiting area?
To: Cutie Maxine
Nasa Midway street pa ako, papunta na akong school. Sorry talaga Maxine. Kita nalang tayo sa school hehe.
Pinunasan ko ang pawis sa noo ko. Napakinit naman! Sana nagpahatid nalang ako kila daddy.
"Briana!" napatigil ako nang may bumusina sa likod ko. Nakita ko ang cute na si Gerald. MVP ng isang sikat na team sa LU. "Ang init init naglalakad ka? Get in!" nakita kong wala siyang kasama sa loob.
Mabait itong si Gerald. Sobrang caring na friend. "Ayos lang ba?" tumawa siya.
"Of course!" napangiti ako at dali daling pumasok sa kotse niya.
"Salamat Gerald ah."
"Ayos lang. Bakit ka nga pala naglalakad? Hindi ka hinatid ng dad mo?" umiling ako.
"Hindi eh. Pero ayos lang naman." nahihiya akong ngumiti.
"Pawis na pawis ka. Wait.." binaba niya ang bintana ng kotse at inabutan niya ako ng panyo.
"Ang bait mo talaga, Gerald. Thank you!" tumawa lang siya sa sinabi ko.
"Wala yon! Basta ikaw!" kinindatan niya ako bago tinuon muli ang pag drive sa kotse niya.
Napapikit ako sa hangin mula sa labas.
Dinukot ko ang phone sa palda ko nang bigla itong tumunog.
Unknown Number Calling...
+639xxxxxxxxxx
Huh? Si Von ba to?
"Hello?"
[Bumaba ka sa kotse nayan.] natigilan ako at tumingin sa labas.
Wala naman siya. "P-Pero mainit.."
[Wala akong pakialam. Bumaba ka na dyan.]
"K-Kasi.."
[Ngayon na.]
Naputol na ang linya. Malungkot akong tumingin kay Gerald. "Pwede bang ibaba mo nalang ako dyan sa tabi?"
"Huh? Malapit na tayo sa school." takang sabi niya.
"May pupuntahan lang ako." kahit nagtataka ay tinabi niya ang kotse niya.
"Sorry Gerald ha? Salamat sa pagpapasakay mo. Ingat ka sa pagdadrive!" bumaba ako at kumaway sa kanya.
"Are you sure?" tumango ako at ngumiti.
"Bye bye!" tumango lang siya at mabilis na pinaandar ang kotse niya.
To: +639xxxxxxxxx
Nasaan kana? Ihahatid mo ba ako?
From: +639xxxxxxxxx
No. Maglakad ka na. Huwag kang makikisakay sa sasakyan ng iba.
To: +639xxxxxxxxx
Eh naasaan kaba?
From: +639xxxxxxxxx
School.
Napanguso ako sa text niya. Nasa school na pala siya, bakit gusto niya akong paglakarin sa tirik ng araw? Hindi ko talaga makuha ang ugali nun. Tinago ko ang phone ko at naglakad nalang.
Masaya daw maglakad sabi sa isang article na nabasa ko. Exercise daw yun sa katawan para sa development ng mga muscles para maging maayos ang function ng katawan.
Haays.
I hate you, Von.
--