"Wake up stupid doll!" may bigla nalang bumatok sa ulo ko. Kainis. Muntik na tuloy matapon ang kinakain kong fries. Inis kong tiningnan kung sino ang taong yon. "Masakit ah! Ano na naman kailangan mo sakin?" he just shrugged and pulled a chair beside me. Nasa park kami. Kagagaling ko lang school at hindi ko alam kung bakit sunod siya ng sunod sa akin. Ayoko pang umuwi dahil magkukulong lang ako sa kwarto at iiyak kaya dito muna ako dumiretso. Malapit naman ito sa village namin. Nakaupo ako sa bench kung saan kita ko ang mga couples na nag de date. "Kanina ka pa tulala. Buti nga hindi ko nilakasan eh." nalaglag ang panga ko sa sinabi ng katabi ko. "Namamatok ka? Are you gay?" takang tanong ko. Dahan dahan siyang lumingon sakin gamit ang nakakamatay niyang tingin. "Are you lesbian?" sin