Chapter 13

2026 Words
— Evan Smith (Konting pahapyaw lang hahaha lol) "That's all for today.." Nag sitayuan na ang mga ibang empleyado. Tumingin ako sa wrist watch ko. Its already 2 pm. Nakauwi na kaya sya? Hinanap ko ang phone ko sa bulsa ko para i-check kung may message. Pabagsak na nilapag ko ito nang makitang wala ni isang message nya. Tsk! Ano ba itong nangyayari sakin? Napahilamos na lang ako sa mukha ko saka tumayo na. "Mr. Smith nakita ko ang wife mo kanina. She's pretty huh" Napalingon ako kay Mr. Reyes. Isa sa mga board members. Automatic na nag salubong ang kilay ko sa kakaibang ngiti nito sa pag banggit tungkol kay Desiree. Humalakhak ito "Alam ko namang hindi ka seryoso sakanya katulad ng mga exes mo. Bakit di mo na lang sya ibigay sakin. Katulad dati" Hindi ko alam pero agad na nag tagis ang panga ko at kumuyom ang kamao ko sa sinabi nya. f**k! Sa pag halalhak nya ay sumabay din ang namumuti nyang balbas. Yes! He's an old man. Sakanya ko binibigay yong mga babaeng pinag sasawaan ko bago ako bumabalik kay Tania. Hindi naman sila nagagalit dahil may pera naman din ang matandang ito. Pero ngayong narinig ko sakanyang gusto nyang ibigay ko sakanya si Desiree. No not my wife. "What Mr. Smith? Deal or No—" hindi ko na sya pinatapos pa dahil lumagapak na sa mukha nya ang nag huhumindig sa inis na kamao ko. "Hinding hindi ko ibibigay sayo si Desiree!" Halatang nagulat ito sa ginawa ko lalo na sa sinigaw ko. Heck! Ako rin nagugulat na sa nangyayari sakin! "A-akala ko ba Tania ka lang?" Sa sinabi nya napaiwas ako nang tingin. Hindi ko alam ang sasagot ko. f**k! sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari. Lalo na kanina. Biglang tumunong ang phone ko kaya agad ko kinuha ito sa bulsa ko. Napakunot ang noo ko nang makita ang pangalan ng caller. Sinagot ko ito. "Hello Tania.." — Desiree Larrson Smith The next day, nag diretso na ako sa hotel na pag tra-trabahunan ko. Sumakay lang ako sa taxi. Kagabi kasi hindi ko na namalayan pa si Evan na umuwi dahil natulugan ko ang pag babasa sa mga libro sa library. Naiisip ko nga baka galit sya dahil hindi ko sya sinalubong kagabi. Sabay mo pa na hindi ko rin sya naabutan kaninang umaga dahil maaga raw ito umalis sabi ni Hana. Napabuntong hininga ako. Sounds immature, pero gusto ko kasi sya makita bago ako pumasok sa trabaho lalo na first day ko ito. Pag kabayad ko sa driver ay lumabas na ako. Nawala ang pag iisip ko kay Evan dahil agad ako binundol ng kaba nang makita ang sobrang taas na hotel na papasukan ko. Napapikit ako at napalunok. Kaya ko ito. Nag mulat ako saka ngumiti sabay nag lakad na. Sumalubong sakin ang guard. "Good morning ma'am" "Good morning po. Ako po si Desiree yong bagong empleyado dito" Nanliwanag ang mukha nito "Nako ma'am kayo po pala yong hinihintay pa ni Sir Kael" Kinabahan naman ako. Late na ba ako? "Punta na lang po kayo sa room na ito" may pinakita syang number na kinatango ko "Sige po manong salamat po" Nag lakad na ako. Nakita ko rin na napapatingin sakin ang mga receptionist. Dalawa sila na nakatingin sakin. Yong isa nakangiti sakin pero yong isa nakasimangot lang saka tinataasan ako ng kilay. Gumanti na lang ako ng ngiti sabay nag tungo na sa elevator. Pinindot ko ang number na binigay ni Manong. Mga ilang segundo rin ay nakarating na ako sa floor kung nasaan ang office ni Sir Kael. Pinuntahan ko ang room na naiiba. Huminga muna ako ng malalim saka kumatok bago pumasok. Tulad ng pag pasok ko sa office nya sa main building nila ay sumalubong sakin ang lamig ng hangin galing sa air con. Ngisi agad ni Sir Kael ang sumalubong sakin "Come in Ms. Larrson" "Mrs. Smith po" sabi ko at pumasok na. Lumapit na rin ako sa table nya. Humalakhak ito "I know i know. I'm just kidding. Anyway nareview mo na yong in-email kong files sayo kagabi?" Tumango ako. Minuwestra nya ako umupo kaya naupo na rin ako. Tumango rin ito saka pumitik sa hangin saka tumalikod sabay may kinuha sa drawer nya na folder. "Mrs. Larrson sabi pala sakin mag 1 week training ka muna. May mga mag ga-guide naman sayo mamaya papakilala ko sila sayo" seryosong sabi nito na kinatango ko "And don't worry yong 1 week na iyon ay kasama sa sweldo sayo" Marami pang sinabi si Sir Kael na kinatatango ko lang. Siguro mababait naman mga makakasama ko rito. Pero sana nga.. "At oo nga pala pinapasabi sakin ng aking gagong pinsan na iba ang uniform mo" Kumunot ang noo ko sa sinabi nya "Iba?" Ngumisi ito "Yes Mrs.Smith iba. Instead of pencil cut skirt, you'll wear black slacks." Napapikit pikit ako sa sinabi ni Sir Kael. Black slacks? O-okay lang naman sakin pero bakit? Halos nanlaki ang mata ko nang maalala ko na sinabi na pala nya sakin iyan kahapon sa office nya. "Okay na. Nasabihan ko na pala yong mag ga-guide sayo. Nasa ground floor sya." "S-sige po" nauutal na sabi ko. Gusto ko kasi mag tanong sakanya about kay Evan kung nakasama ba nya ito kagabi. Hindi ko na lang sinunod ang sarili ko at umalis na sa office ni Sir Kael. Nag punta na ako sa ground floor. Nakita ko na agad yong mag ga-guide sakin dahil tumingin ito sakin sabay tumango. Napahinga ako ng malalim saka lumapit. Bakit ba lalapitin ako ng ganito. Tumaas ang kilay nito nang makalapit ako "Name" Sya yong isa sa mga receptionist. Yong nakasimangot sakin.. "Desiree po." Tumaas lang ang kilay nito saka nag lakad na papunta sa isang room. Hindi na ako nag tanong pa at sumunod na ako. Dito kami sa storage room. May kinuha ito sa isang cabinet ng dalawang plastic na may laman. Inabot nya ito sakin "Oh ito uniform mo" "Salamat po" kinuha ko na ito. Bago ito umalis ay tinitigan ako nito from head to foot saka umalis. Napabuntong hininga na lang ako. Una si Odette yong secretary ni Evan ngayon ito. Napailing iling na lang ako. Sinuot ko na ang uniform namin. Pero tulad nga ng sabi ni Sir Kael. Black slacks yong akin. Bumagay naman sakin at sakto lang naman. Lumabas na ako para hanapin yong babae na kasama ko. Nakita ko itong kausap ni Sir Kael. Hindi na ako nag taka na nakangiti ito kay Sir Kael. Lumingon sakin si Sir Kael at tinawag ako. Lumapit naman ako na nakangiti. "Bagay naman pala sayo ang slacks!" bati ni Sir Kael. Nahihiya akong ngumiti rito. "Anyway. Mrs. Smith this is Ms. Juliet De Leon. And Ms. De Leon this is Mrs. Desiree Larrson Smith.." Ngumiti ako kay Juliet na ngayon ay nakataas ang kilay sakin. Hindi ko na lamang ito pinansin at nag lahad na lang ng kamay. "Nice to meet you Ma'am Juliet" sabi ko Walamg kagana gana itong sumagot "Same"saka bumalik ang tingin kay Sir Kael. Lumunok na lang ako saka humarap kay Sir Kael na ngayong nakangiti samin. "So okay! Mag kakilala na kayo sana maging maayos ang mangyari dito okay?" "Yes Sir!" ani Juliet Tumango na lang ako habang nakangiti. Sana.. sana maging maayos lalo na sa tingin ko parang ayaw sakin ni Juliet. Tumingin muna sa wrist watch si Sir Kael saka nag taas ng tingin samin. Nag pakita na naman ang mapuputi nitong ngipin "Maiwan ko na kayo okay? I gotta go" Umalis na si Sir Kael. Si Juliet naman bumalik na sa reception desk. Sumunod ako rito. May ginawa na ito sa desk nito, hindi man ako kinausap kung ano gagawin ko. Napabuntong hininga na lang ako. Kinapa ko ang bulsa ko para kuhain ang phone ko nang maalala ko ay iniwan ko pala ito sa locker ko. Hinihintay ko pa naman na mag text si Hana kung aalis na sya ng bahay. "Hello miss.." Napalingon ako sa british accent na lalake na nasa harap ko. Foreigner ito. "Ahm what can I help you Sir?" "I want to talk to your manager please" "Manager? Why Sir? Is there something wrong in your room?" kinakabahan na sabi ko. Kasi wala naman akong alam rito. Napalingon ako kay Juliet na nakaheadset na nag la-laptop sa desk nya. Halos mapatalon ako nang hinampas ng foreigner yong desk. "Hey I'm talking to you! I need to see your manager!" Nag sisimula na ako matakot sa itsura ng foreigner. Lalo na at sobrang laki nyang tao na pwedeng suntukan nya ako harap harapan. Tumikhim ako "Ahm Sir before him, first we need to know what's your agenda or some problem that we need to—" "f**k b***h! I said i want your manager! Not you!" Halos maiyak na ako sa sigaw ng foreigner sa harap ko. Nanginginig na kinapa ko ang isang kamay ko at pinag saklob. "W-wait Sir.." nauutal na sabi ko Lumingon ako kay Juliet at lumapit. Agad naman na naramdaman nya ako kaya napalingon sya sakin. Nag iinarte pa ng una yong mata nya pero nang dumako ito sa nag gagalit na foreigner sa likod ko ay agad nanlaki ang mata nito at tinanggal ang headset. "Bakit hindi mo sinabi sakin?!" sigaw nito sakin na kinagulat ko "E-eh hindi ko po ka—" Hindi na nya ako pinatapos dahil nilagpasan na nya ako saka dumiretso sa foreigner na nagagalit na at kinausap ito. Napakagat na lang ako sa labi para pigilan ang mga luha ko na tutulo. Maya maya ay dumating na rin ang manager namin at kinausap ang foreigner na ngayon ay unti unti na humuhupa ang galit. Nakayuko na lang ako na nag lakad papunta sa locker room at doon nag punas ng luha. Gusto ko naman ipag tanggol ang sarili ko kasi may pinag aralan naman ako sadyang unang araw ko palang at hindi ko alam ang gagawin ko. Kasi dapat gina-guide nya ako. Pero iniwan nya lang ako kanina. Tapos ngayon parang mali ko pa. Nag hilamos muna ako at inayos ang sarili bago lumabas. Sakto namang papasok si Juliet. Yumuko na lang ako para makadaan sya. "Talaga bang may tinapos ka? Take note Summa Cumlaude?" nag uuyam na sabi ni Juliet Hindi ako nag salita. Nakayuko lang ako. Ma'am ko sya. Humihinga na lang ako nang malalim. Kasama ito sa trabaho. "Eh bakit kanina yon lang hindi mo pa kaya i-handle? But anyway oo nga pala asawa ka ng may ari dito kaya nakuha ka. Hindi na ako nagulat" huling sabi nito bago ako alisan. Parang may bigat sa dibdib ko na pumatong. Kaya ako nag trabaho para gumawa ng sarili kong pangalan. Hindi ako nag trabaho sa kompanya namin na ngayon ay hawak na ni Evan kasi gusto ko simulan sa kursong tinapos ko. Minsan hindi rin maganda na may connection ka sa isang mataas na tao kasi bi-bigyan ng meaning ng iba once na makapasok ka kaagad sa isang trabaho. Katulad ngayon. Isa sa mga hotel nina Evan ako nag trabaho. Bumuntong hininga ako. Ano ba itong mga naiisip ko. Dapat masaya ang first day ko hindi ganito. Ngumiti na lang ako ng tipid. Dapat maging malakas ako. Bumalik na ako sa desk namin lumapit ako kay Juliet na busy na tumitingin sa mga papeles. Tumikhim ako "Ma'am gusto ko lang po tanungin kung ano mga una kong dapat gawin" Tumaas ang kilay nito sa tanong ko may kinuha itong folder "Ayan naka- print dyan yong mga rooms na dapat linisan. I want you to check those rooms every day dapat wala kang makakalimutan kasi halos lahat ng rooms dito ay okyupado kaya dapat malinis lahat" Tumango ako "Sige po ma'am. Scan ko lang po ito" Hindi na ito sumagot at bumalik na sa ginagawa. Huminga ako ng malalim saka umupo sa desk ko at sinimulan na i-scan yong papers. 15th floor pala itong hotel na ito at bawag floor may 10 rooms. Dipende pa sa laki nito. Mukhang mahirap pero okay na ito ang first day ko kaysa kanina. Muli, sumagi na naman sya sa isip ko. Kamusta na kaya sya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD