Anim na Taon ang Lumipas… “DAD!” Malakas na sigaw ng isa sa kambal naming anak ang pumunit sa katahimikan ng umaga. Kahit ayaw ko pang bumangon, wala akong nagawa kundi ang tumayo mula sa kama. Ganito na talaga ang batang iyon… may kakaibang ugali. Lahat ng gusto niya, kailangang masunod. Istrikto sana kami ni Luisa sa pagpapalaki sa mga bata, ngunit tila hindi iyon umubra dahil kina Daddy Ruins at Mommy Jamillah. Palagi silang salungat sa paraan namin ng disiplina. Sa huli, ang kambal ay halos doon na tumira sa kanila. Minsan, nasabi kong gusto ko pa sana ng ikatlong anak. Ngunit mariing tumutol si Luisa. Dalawa na raw ang anak namin, pareho pang lalaki, ano pa raw ba ang kulang? Tanong pa niya. Si Thunder-Dos at Storm-Tres, kapwa sila magkapareho ng hilig. Napansin naming mag-asawa

