TAMANG SELOS JILL POV. HABANG nag-uusap ang dalawa, kuyom na kuyom ang magkabila kong kamay. Nanadya talaga, huh! Ano ‘yon… dahil mas nauna lang siya sa akin nang limang minuto? What the f—! Muntik na akong napamura sa sobrang inis. Hindi ako mapalagay kaya umalis ako sa veranda. Gusto niya ng asaran? Sige, pagbibigyan ko siya. Pinuntahan ko si Dra. Vicky nang makita ko siya sa gilid ng swimming pool. Kumuha na rin ako ng dalawang basong inumin at dinala iyon—sa back door ako dumaan para hindi nila ako makita. “Hi, bakit nag-iisa ka yata?” bungad ko habang tinutungga ang laman ng baso. Ano kaya ‘to? Iba ang lasa. Iba talaga ang panlasa ng mayayaman—mas masarap pa rin ang iced tea sa sari-sari store. “Wala naman akong kasama dito… gusto ko lang mag-isip.” “So, ayaw mong naririto ak

