ANG SIKRETO JACK POV. NARINIG ko ang malalakas na yabag at ingay mula sa labas ng pintuan. Sa boses pa lang ay alam ko nang si Meliza iyon. Tinungo ko ang pinto at binuksan—agad niya akong tinulak, mariin, at walang paalam na pumasok sa loob. Hinayaan ko lang siya. Bahala na kung ano ang unang salita na lalabas mula sa bibig niya. “Bakit ka kumikilos nang hindi ko alam? Hindi kasama sa usapan natin ang makipagkita ka sa babaeng ’yon!” Kumuyom ang mga kamao ko, pero nanatili akong tahimik. Tumalikod ako at nagtungo sa mahabang sofa, umupo roon, at dinampot ang remote. Binuksan ko ang TV, kahit ang buong atensyon ko ay nakatutok sa bawat salitang ibinabato ni Meliza. “Bakit hindi ka sumasagot, ha?” “’Wag ka nang magalit,” mahina kong tugon. “Alam mo naman ang plano ko. Naiinip na ako,

