LUISA POV. NAKASILIP ako mula sa likod ng mga halaman. May bisita si Chairman Jay, at sa aking nakikita, tila masyado silang malapit sa isa’t isa. Luminga ako ako sa paligid nang maramdamang may parating. Natanaw ko ang isang kasambahay na may dalang tray ng mga inumin. Agad ko siyang sinalubong at maingat na kinuha ang tray mula sa kanyang mga kamay. “Ako na po ang magdadala ng mga ito. Bumalik ka na po sa loob,” nakangiti kong sabi. “Salamat, Ineng. Mabait ka talagang bata. Sige, maiiwan na kita,” tugon niya bago tuluyang umalis. Tumango na lamang ako at naglakad palapit sa kanila. Agad akong nakita ni Ma’am Roice at binati ng isang magiliw na ngiti. Maingat kong inilapag ang tray sa ibabaw ng mesa at isa-isang inabot sa kanila ang mga baso. Nang humarap ako sa babae, napansin kon

