ANG PAGTATAPAT JACK POV. NAKARINIG ako ng malakas na ingay… mga tinig na tila nagkakagulo. Saktong nasa kalagitnaan ako ng hagdan nang sumidhi ang sigawan sa ibaba, kaya mabilis akong bumaba. Pagdating ko sa ground floor, agad akong tumakbo patungo sa pinanggagalingan ng kaguluhan. Si Romiel… pinagtutulungan ng tatlong lalaki. Mabilis akong luminga. Si Chairman Ruins ay abala sa mainit na pakikipagtalo sa may bandang gilid. Nilampasan ko siya at buong lakas na tinadyakan ang isa sa mga kalaban. May hawak itong mahabang kutsilyo. Sino ba ang mga ito, at bakit sila nagwawala dito mismo sa mansyon ng Del Fuego? “Jack, right?” hingal na tanong ni Romiel. “Oo. Sino ang mga ’yan?” tanong ko sa kaibigan ko. “May sugat ka pa… baka tamaan ka. Bakit ka pa pumasok dito?” may halong pag-aalala a

