PAGMAMAHAL NG AMA SA ANAK RUINS POV. SIMULA nang isilang si Baby Girl, parang naglaho sa isang iglap ang lahat ng alalahanin ko sa buhay. Lahat ng pagod at takot ay napawi, napalitan ng tuwa at pagmamahal. Mula noon, sa kanya na lang umiikot ang mundo ko, ang munting anghel namin ni Jamillah. Ganito pala ang pakiramdam ng maging isang ama. Madalas akong asarin ng mga kapatid ko, para raw akong baliw. Lagi raw akong nakikipag-usap sa anak kong hindi pa naman marunong sumagot. Pero paano ko ba mapipigilan ang sarili ko? Kahit alam kong hindi pa niya ako nauunawaan, gusto ko pa ring marinig niya ang boses ko upang ipaalam na naroon ako sa tabi niya. Sa totoo lang, hindi ko naiintindihan kung bakit sinasabi nilang mabilis lumipas ang panahon. Samantalang naiinip na akong lumaki siya. Gusto

