DOS POV. DINALA ko sa kaibigan kong may-ari ng isang clinic ang paternity samples namin ni Uno-Sherwin. Isang linggo pa ang hihintayin bago lumabas ang resulta. Habang naghihintay, sinadya kong gawing abala ang sarili ko. Ayaw kong isipin ang pag-alis nilang dalawa patungong Italy. Nagkulong ako sa loob ng opisina ko. Nagbilin din ako sa secretary ko na huwag hayaan na may pumasok kahit sino… kahit pa may maghanap sa akin, sabihin niyang wala ako, out of town. “Kahit po ba ang kakambal ninyo, Sir?” tanong niya. “Yeah. Lahat sila. Ayaw ko munang makipag-usap kahit kanino.” “Masusunod po, Sir Del Fuego,” sagot niya. Magulo ang sitwasyon ko ngayon. Kahit gusto kong tawagan ang kakambal ko, pinigilan ko ang sarili ko. Mula nang hindi niya ako pinakinggan, nawalan na ako ng gana na kaus
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


