JAY ROYZ POV. NABIGLA ako sa sinabi ni Lolo Josen. Pinapapili niya ako—pakakasalan ko raw si Luisa habang siya’y mahimbing na natutulog, o kung hihintayin ko ang kanyang paggising ay kailangan kong tanggapin ang posibilidad na hindi na niya ako makilala, at baka tuluyan na rin niya akong hindi tanggapin muli. Dalawang araw na ang lumipas mula nang operahan si Luisa, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising. Ayon sa doktor, maayos naman ang naging takbo ng operasyon, kaya’t lalo itong naging palaisipan—bakit hanggang sa mga oras na iyon ay nananatili pa rin siyang tulog? Lumapit ako kina Daddy at Mommy, sapagkat magulo ang aking isipan. Ang tanging nais ko ay maikasal kay Luisa sa paraang pinangarap ko—nakikita siyang naglalakad sa loob ng simbahan, suot ang isang napakagan

