Gabi na at huling oras na ng dalaw sa pasyente. Nasa harap ko ang dalawang matanda na nagmamaneho ng truck na nakabangga sa akin. Tama nga si Shin, babalik sila ngayon. Pinakilala sila sakin, si Lola Marta at Lolo Ipeng. "Pasensya ka na iha, nagmamadali kasi kami noon at hindi ka namin napansin. May sakit ang anak namin kaya nagmadali kaming umuwi." paghingi ng tawad ng matandang babae sa akin. Sa totoo lang, ayos lang naman sa akin ang nangyari at hindi ko na masyadong dinadamdam lalo na may ibang bagay pa na dapat pagtuonan ko ng pansin. Napakadami kong iniisip at hindi ko na inalala pa ang ganitong bagay. "Ayos lang po, kamusta na po ang anak niyo?" ngumiti ako para maibsan ang kaba nila dahil pareho silang mukhang tensyonado. "Maayos naman siya neng, pasensya ka na talaga. Huwag ka

