Nang gabing nagkaharap harap sila TJ, Jin at Kian ay nagkaroon sila ng isang masinsinang paguusap. Ito ang oras kung saan nasa kwarto na si Lizette. Hindi parin sila magkasundo pero pinipilit nilang magusap para sa plano nilang tatlo. Kasalukuyan silang nasa isang kwarto sa bandang veranda kung saa naroon lahat ng armas na pagmamay-ari ni Kian. "So you're K? The one she introduced as her landlord in that hospital?" bungad ni TJ. Ito ang pangalawang usap nila sa araw na ito. Ang una ay ang pagpapanggap nilang maayos sa harap ni Lizette ilang oras lang ang nakakalipas. "So you're TJ? The one she introduced as her soldier friend. What a shame, she's mine already." pang iinis na sagot ni Kian. "Shut up!" singhal ni TJ. "Why did you kill those men in that bathhouse before?" tanong ni Jin.

