Isang malakas na putok ang ginawad ni Kian at mabilis akong hinila patakbo sa isang hagdan na diretso sa labas ng likod ng mansyon niya. Nang lumingon ako sa likod ay nakita ko si Triv na hinahabol kami. Sa di kalayuan, nakita ko ang sunod sunod na lalaking nakatayo sa isang kotse. Nakarating kami sa labas ng mansyon. Napasigaw ako nang may biglang humila sa isang kamay ko at isang lalaking naka itim at naka cap ang tumutok ng baril kay Kian. Sa paghilang yon at pagsigaw ko halos sabay silang nagtutukan ng baril. Mahigpit ang hawak ng lalaki sakin at nilagay niya ako sa likuran niya. "Stay there." sabi ng matigas na boses. Nanlaki ang mata ko. "J-Jin.." Bumaba ang tingin ni Kian sa kamay na nakahawak sakin. "Let go of her." halos lamigin ako sa klase ng titigan nilang dalawa. Halos

