Napapikit ako sa lakas ng tawa ni Grace. Kinwento ko sa kanya ang nangyari sakin. Imbis na mag alala, tawa siya ng tawa ng malakas. "So after ka ma kidnapped, natulog ka sa kotse nung sundalo? Tapos kumain kayo sa hotel? At naubos mo yung inorder niyang isang dinner course?!" sabi niya at natawa ulit. "Anong nakakatawa doon?" inis na tanong ko. Nasa isang restaurant kami malapit sa milk tea shop kung saan ako nag papart time. Break time ko ngayon. "Girl, nakakain ka pa sa lagay na yon? Kung ako yon baka bumalik nalang ako kay Jin at tumira doon forever." bumagsak ang dalawang balikat ko at umiling. It's been a week since that happened. Parang hangin lang lahat ng nangyari. Everything went back to normal. Halos lahat ng suspek ay nahuli, except for Mac Cortel, siya ang kumidnap sakin

