Binuka ko ang bibig ko pero wala akong masabi. Walang pumapasok sa isip ko ng pwedeng gawin. Halos kumalabog ang puso ko nang lumapit siya sa pinto at hinawakan ang doorknob. "I can break this door easily, so he can see us." lumapit ako at hinawakan ang kamay niya para pigilan siya. "Baliw ka ba? Gustong gusto mo na ba talaga mahuli?" "I won't. We can fight here." halos mabaliw ako sa sinabi niya na para bang napaka gandang ideya yon. "Hindi mangyayari yan." hinanap ko ang switch ng ilaw pero agad niyang hinawakan ang pulsohan ko at sinandal ako sa pader. Nanlaki ang mata ko habang katapat ko ang dibdib niya. Tiningala ko siya at unti unti siyang lumapit sakin. "Tell me you'll date me first." nakatulala lang ako doon at hindi makagalaw. Hindi ako nakasagot. Mahirap sumagot lalo na at

