Chapter 2: His Wife

2172 Words
NAPAHAWAK SI DAVE sa ulo nang magising. Alak. ‘Yan ang dahilan kung bakit sumakit ang ulo niya, at si Kendra ang rason! Ang tagal niyang hinintay na mapansin siya ng dalaga tapos mukhang mauunahan pa siya? Baka puwedeng mag-give way na lang ang mga kaibigan niya sa kan’ya? Napabuga siya ng malakas na hininga bago nagmulat ng mata. Biglang nalukot ang mukha niya nang may naramdamang kamay sa pagitan ng hita niya. Napapitlag pa siya nang biglang nagising ang kaibigan niya nang biglang dakmain ng kamay na iyon ang kan’ya. Mabilis na sinilip niya ang sarili sa ilalim ng kumot at tiningnan iyon. Literal na nanlaki ang mga mata niya nang makitang kamay doon at nakadakma mismo sa kaibigan niya. Dahan-dahang nag-angat siya ng tingin at lumingon sa kaliwa niya. Katawan lang ang nakita niya. May katabi nga siya sa kama niya! “Holy f*ck! Who the hell are you?!” malakas na sigaw niya sabay upo. Lumayo rin siya dito. Dahan-dahang naupo din ang babae. Hindi niya makita ang mukha nito dahil natatakpan ng mahabang buhok nito. Napaawang siya ng labi nang hawiin nito ang buhok. Kilala niya ang babaeng katabi niya ngayon. Si Kristen! For pete sake! Bakit si Kristen pa? Paano kung malaman ito ni Kendra? Paano siya nito sasagutin? “Anong ginagawa mo dito sa kuwarto ko? At bakit tayo magkatabi?!” Napakunot-noo siya nang tumawa ito ng malakas. “What?” “Ikaw ang nagmamakaawa sa akin kagabi na tumabi sa’yo tapos tatanungin mo ako ng gan’yan? OMG! Baka hindi mo rin alam na pinilit mo akong magpakasal sa’yo?” “W-what?! Ako? Nagpakasal sa’yo? Are you insane, Kristen? Sabihin mong hindi totoo ‘yan?!” Bigla siyang kinabahan. Kung anu-ano na lang ang sinasabi ng babaeng ito sa kan’ya. Sana hindi! “I’m not insane!” napangiwi si Kristen nang sabihin nito iyon. Marahil, napa-English ito. “Kung ayaw mong maniwala sa akin. Tawagan mo ang pinsan mong nagkasal sa atin, sa labas mismo ng ZL Lounge. Adios!” bulyaw nito saka mabilis na tumayo. Napalunok siya nang makita ang mahahabang biyas nito. Shit! Ba’t ang iksi ng short nito? Parang may bumara sa lalamunan niya nang mapansing tayung-tayo ang hinaharap nito. Manipis na spaghetti sando lang ang suot nito, at walang bra! Napababa siya nang tingin nang maramdaman ang paninigas ni junior. Napatakip siya nang mukha nang bigla itong tumuwad. Pero sumilip din siya sa pagitan ng mga daliri niya. May pinulot pala ito. Napangiwi siya nang makita ang hawak-hawak nito, bra iyon. Mabilis na nasuot nito ang bra na hindi man lang hinuhubad ang damit nito. Napailing na lang siya. “Hindi mo naman siguro ako pinagsamantalahan kagabi, diba?” tanong niya dito. Magkasalubong ang kilay nito nang lingunin siya. “Ay, ang kapal ng pader,” natatawang sabi nito. Tumingin siya sa pader ng silid niya. Hindi niya mapigilang magtaka. Umiling-iling na ito nang tumingin ulit siya sa dalaga. “Hindi pader ang tinutukoy ko. Ikaw, Dave. Babae pa talaga ang tinatanong mo niyan? Grabe! Akala mo sa akin gagapangin kita?” papalatak na sabi nito sabay hablot ng bag at damit. “Hindi ba? E, bakit, dakma mo kanina ang… kaibigan ko?” aniya at bumaba pa ang tingin niya sa pagitan ng mga hita niya. Napasunod din ito ng tingin doon. Kita niya ang pamumula ng mukha nito. Ilang beses itong napalunok sa tanong niya. “Sigurado akong nananaginip lang ako no’n. Kaya wala akong alam sa sinasabi nito. Tse!” anito at deretsong naglakad papuntang pintuan ng silid niya at lumabas doon. Ibig sabihin nananaginip itong may dinadakma? Ano naman? Tumingin ulit siya sa pintuang nilabasan nito. Pero nakahinga siya ng maluwag nang mawala sa paningin niya si Kristen. Pakiramdam niya naninikip ang boxer brief niya kapag nasa paligid lang ito. Dagdag pa kasi ang suot nito. Normal na sa kan’ya ang may morning erection. Pero ang kanina, hindi normal! Natigilan siya saglit nang maalala ang sinabi nitong kinasal sila. Hindi siya panatag, kaya, kaagad na hinanap niya ang telepono at tiningnan ang telepono. Napaawang siya ng labi nang makita ang numero ng pinsang si Ice. Kinakabahang dinayal niya ang numero nito. Napapitlag siya nang marinig ang malakas na pagsara ng main door niya. Sigurado siyang pabalyang isinara ni Kristen ang pintuan niya sa labas. “What the f*ck, Dave! Istorbo ka talaga. Kagabi ka pa! ‘Wag mong sasabihing magfi-file kaagad ng annulment-” “So, it’s true?” aniyang parang pinagsakluban siya ng langit sa narinig, mula sa pinsan. Dinig niya ang malakas na tawa ng pinsan sa kabilang linya. “I asked you many times, Cous. Ang sabi mo, 1000% sure ka. Why o why, gan’yan ang tono mo?” Sa narinig, mabilis na pinatay niya ang telepono at tiningnan ang nilabasan ni Kristen. Siya ang nababaliw! Mukhang nilamon siya ng alak at niyayang magpakasal kaagad si Kristen Paano na sila ni Kendra nito? Kaagad na hinanap niya ang numero ng kaisa-isang taong makakatulong sa kan’ya. SAMANTALA… Panay ang mura ni Kristen nang makalabas ng condo ni Dave. Sadyang nilakasan niya kanina ang pagsara ng pintuan para malaman nitong naiinis siya. Sinira lang naman nito ang mood niya. Ang saya-saya niyang nagising kanina na katabi ito, tapos bigla na lang itong nagka-ganoon. Mukhang hindi nito naalala ang lahat ng nangyari kagabi. Akala pa naman niya magiging masaya na siyang nakatali dito. Hindi naman pala. Panaginip lang pala ang lahat. Dahil sa pesteng alak 'yon! Paano na 'to ngayon? Kasal na siya, pero ayaw nito sa kan'ya? Nasapo niya ang ulo kapagkuwan. Pagdating sa labas ay pumara siya ng taxi. Alas-sais pa lang naman. Panay ang hikab niya habang hinihintay na bumukas ang elevator nang tumunog ang telepono niya. Ang kuya niya, tumatawag. Umiling muna siya bago binalik ang telepono sa bag. Magtatanong lang naman ito kung saan siya natulog. Pagdating niya sa bahay nila ay tulog na nga ang kapatid. May nakahain na ring breakfast. Nakasanayan na rin niyang gumising na may lutong pagkain na ito ang nag-luto.. Dumeretso siya sa silid niya at nahiga kahit hindi pa nagbibihis. Napangiti siya nang maalala si Dave. Imagine, kasal na siya dito ng walang kahirap-hirap. Ang kaso, mukhang hindi nito nagustuhan ang desisyon nito kagabi. Pero wala siyang kasalanan doon. Binibiro lang naman niya ito, na pakasalan muna siya nito bago nito magawa ang gusto nito. Pero nasaktan siya ng kaunti kanina, ang aga naman kasi nitong sabihin iyon! Pero mas lamang pa rin ang saya. Napaupo siya sa kama niya kapagkuwan. Hahayaan niya munang namnamin nito ang pagiging single. At kapag tapos na ang maliligayang araw na ibibigay niya dito, babalik siya sa condo nito. Sa ayaw, at sa gusto lang nito! Walang puwedeng may kumuha ng kaniyang trono. Siya ang nakatakdang maging asawa talaga ni Dave. Siya lang at wala ng iba! Nakagat niya ang labi nang mapatingin sa palasingsingan. Mukhang dapat malagyan na ito ng singsing. Dapat siguro pagbalik niya sa condo ni Dave, may dala na siyang singsing para sa kanila. Mukhang kailangan niyang bawasan ang ipon niya. Nakangiting humiga siya ulit at natulog. Tanghali na nang magising siya. Napangiwi siya nang maamoy ang sariling hininga. Amoy alak pa rin. Nanlalagkit na rin siya sa katawan niya kaya naligo siya. Nagluto na rin siya ng tanghalian nilang magkapatid. Wala siyang pasok nang araw na iyon. Bandang alas-dos na nang maisipang niyang pumunta sa isang malapit na mall. Mag-kanbas muna siya ng presyo ng singsing nilang mag-asawa. Napangiti siya sa naisip. Pero aalamin niya pala muna ang sukat ng daliri ni Dave. Malapad pa rin ang ngiti niya nang pagmasadan ang sarili sa salamin. Kakatapos niya lang magbihis ng mga sandaling iyon. Makapal na kung makapal, pero maganda talaga siya, walang duda. Kaya nga pinakasalan siya ni Dave, nevermind sa nangyari kanina. Magigising din 'yon na kasal na ito sa kaniya. Basta! Pinakasalan siya ni Dave, kaya maganda siya! Tapos ang usapan! Siya na si Mrs. Collin! Inisa-isa niya ang magagandang shop sa mall na may mga tindang wedding ring. Kung ayaw ni Dave mag-effort, sige, siya na lang. Maraming magaganda siyang nakita pero maganda rin ang presyo. Siguro, tama na 'yong nakita niyang tig-limang libo. Hanggang doon lang ang budget niya para sa singsing nila. Ang mahalaga, may singsing sila. Pagkagaling sa mall ay dumaan siya sa tiyangge. Madaming mga singsing na fake doon. Bumili siya ng lahat ng sizes. Isusukat niya kay Dave, sa ayaw at sa gusto nito. Napangiti siya nang ibalot ng matanda ang singsing na nabili niya. Kung ano ang magkakasya doon, 'yon ang dadalhin niya sa shop para balikan ang ilang nagustuhang singsing. Napapitlag siya nang mag-ring ang telepono niya. Kaagad na sinagot niya iyon nang makita ang pangalan ng Kuya niya. Nagpaalam lang pala na maagang papasok dahil maraming gagawin. Nakapagluto na rin daw ito ng pang-dinner, initin na lang daw niya kapag kakain na siya. Malapit lang naman ang tiyangge na pinuntahan niya sa bahay nila, kaya hinayon niya ang sarili na pauwi kaagad. Nasa tapat na siya ng palengke nang mapatigil sa harap ng prutasan. Napangiti siya ng maisip kung ano kayang prutas ang paglilihian niya kung sakali. Dapat si Dave talaga ang bibili ng mga pagkaing gugustuhin niya. Kagaya ng nakikita niya sa mga palabas, asawa ng bidang babae ang naghahanap ng mga prutas na pinaglilihian ng mga ito. Ano kaya ang pakiramdam talaga ng naglilihi? "Miss, kanina ka pa tulala diyan! Bibili ka ba? Kung hindi, umalis ka na diyan at hinaharangan mo ang suwerte!" masungit na sabi ng babae sa kan'ya. Iningusan niya ito at umalis na lang. Nakitingin lang, e. Wala na ang kapatid pagdating niya sa bahay nila. Sa sala siya nagpahinga ng ilang sandali bago pumasok sa kuwarto. Nakatulog din siya ng isang oras. Bago siya naligo ay kumain siya. Ngayon siya pupunta sa ZL Lounge para kunin ang sukat ng palasingsingan ng asawa. Kinikilig talaga siya kapag naiisip niyang asawa na niya si Dave. O diba, siya at si Dave ang end game? Walang kahirap-hirap! Bandang alas-otso y media ng gabi nang umalis siya. Hindi naman ganoon kalayo ang ZL Lounge sa bahay nila. Medyo traffic nga lang sa dinadaanan niya. Baka abutin pa naman ng madaling-araw si Dave sa ZL. Mahigit trenta minuto din ang naging biyahe niya. Excited na nagbayad siya sa mamang driver bago bumaba ng taxi. Hindi pa man siya nakakahakbang palapit sa ZL Lounge nang matanaw ang pagpasok ng isang pamilyar na sasakyan. Sakto lang pala ang dating niya. Palapit na siya sa sasakyan nito nang bumukas ang pintuan ng sasakyan, at iniluwa ang fresh na fresh na asawa. Nakalugay pa ang hindi kahabaang buhok nito. Tumigil ito saglit para itali ang buhok nito. Naka-side-view lang ito pero ang lakas na ng dating sa kan’ya. Yay! Ang pogi talaga ng asawa niya! Napatigil si Dave sa pag-tali ng buhok nito nang mapansin siya. "Anong ginagawa mo dito?!" Pinameywangan niya ito. "Malamang, dinadalaw ka. Masama bang dalawin ang asawa?" Ngumisi pa siya dito. Nagpalinga-linga ito bago sumagot ng mahina, "Damn, Kristen! Kalimutan mo na ang nangyari kagabi. Hindi mo ako asawa, okay? Wala 'yon. Nadala lang ako ng alak. I'm sure, hindi mo ring pipiliting itali ang sarili mo sa akin. Wala naman tayong gusto sa isa't isa. Isa pa, si Kendra ang gusto ko." Literal na natigilan siya sa huling sinabi nito. Bakit naman kailangang sabihin nito iyon? Wala man lang filter din ang bibig nito. Hindi ba nito naisip na masasaktan siya? Tama bang ipamukha sa kan’ya na iba ang gusto nito? Bahagyang nalaglag ang balikat niya sa sinabi nito. Excited pa naman siyang puntahan ito para kunan ng sukat, tapos gano'ng pa rin pala ang trato nito sa kan'ya. Parang kaninang umaga lang. Hindi na nga niya pinansin masyado ang naging asal nito kanina. Ngumiti siya ng mapakla dito. "Okay. I'm sorry," mabigat ang loob na sabi niya rito sabay talikod. "Kristen! Wait!" Hindi na niya ito nilingon dahil malapit ng tumulo ang luha niya. Nakakuyom ang kamao niya para pigilan iyon habang nag-aabang ng taxi. Nasira na naman ang mood niya dahil kay Dave. Malapit na siyang mainis! Wala sa sariling tinulak niya ang lalaking papasok ng taxi. Natumba ito. Siya ang unang nagpara doon tapos nakipag-unahan pa sa kan'ya. Mabilis ang naging kilos niya na sumakay doon at tiningnan ng masama ang lalaking natumba sa semento. "Nakipag-unahan ka pa kasi!" parang gusto niyang isigaw dito. Ganitong masama ang loob niya, walang humarang dapat sa dadaanan niya! Namalayan na lang niya ang sariling uminom ng alak sa loob ng silid niya. Hindi siya puwedeng mag-bar ngayon dahil may pasok pa siya bukas. Maraming stock sila ng alak, na bigay ng boss ng kapatid niya kaya ‘yon na lang ang tinira niya. "Gugustuhin mo rin ako Dave! Sa ayaw at sa gusto mo!" naisatinig niya sabay lagok ng alak. Mapait, kaya mabilis na sinubo niya ang lemon na hiniwa niya sabay kain ng pulutan. Pagbibigyan niya ito ulit ngayon, pero babalik siya para upuan ang tronong para sa kan'ya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD