"EHEM!" Pekeng ubo ni Laxus. May nakakalokong ngiti ito sa kanyang labi. Maging ang tatlo pa. "Tss," ani ng katabi ko. Ako naman ay nakatingin lang sa kanila. Ano pang gagawin ko kung nakita na nila kami kanina? "Ang bilis mo talaga, Alejandro." Natatawang sabi pa ni Laxus. "Panira kayo." Ungos ni Alejandro. Natawa ang apat sa sinabi niya. "Tangina nyo. Umalis kayo sa harap ko." Dagdag pa niya na mas nagpatawa sa apat. Are they crazy? "Kalma lang, Marquez. Kumain muna tayo at nagugutom na ako." Saad ni Brix. Hindi pa rin nawawala ang malaking ngisi sa kanyang labi. "Kailan ka ba nabusog ha, Lacrose?" Umismid si Simon sa kanya. "Wag kayong kakain ha!" Suminghal si Brix. Napailing naman si Simon. "Tara na," Tumayo si Laxus. Umiiling na tumayo si Simon kasunod si Veen at si Brix na ma