KABANATA 12: BUONG duty ko hindi nawala sa isip ko iyong offer ni Mrs. Oliveira. Gusto ko na hindi. Ang gulo diba? Gusto ko dahil sa sasahurin. Simula ng nagtrabaho ako dito mababa ang pasahod. Tama nga lang sa pagbayad ko mg renta at pagkain ang kinikita ko. Hindi na ko makabili ng extra tulad ng kapag gusto ko ng bagong damit o sapatos. Siguro thankful lang din ako na hindi talaga ako pinanganak na maluho kaya walang problema sa akin. For me, it’s a matter of survival na lang. Naiisip ko tuloy na bumalik na lang kaya ako ng New York tutal malaki kita ko doon. Kaso gusto ko pa manatili dito. Hindi ko alam kung bakit ba ganito ang nararamdaman ko na tila may bumubulong sa akin na manatili pa din kahit na hindi naman malaki ang kita ko. Wala naman na kong Mama. May ibang pamilya naman a