KABANATA 35: WE had our dinner at Oceano restaurant. Pagdating sa suite ay naroon na iyong mga gamit na pinabili ni Daniel. Na-amaze ako na kumpleto lahat iyon. I was busy organizing our stuff when Daniel's phone rings. Sinilip nito ang cellphone na nasa lamesa. Binagsak ko naman ang tingin ko sa mga gamit naming nasa ibabaw ng kama. Isa-isa ko ng hiniwalay at sinampay ang mga damit namin sa dressing area. Narinig ko siyang nagsalita. "Yeah... I told you I don't need your money. I still have mine, and it can feed me until I die. Don't worry about me. I'm old enough to take care of myself..." Tinuloy ko ang ginagawa. Patay-malisya kahit na dinig ko naman ang sinasabi ni Daniel. Ang yaman niya, sa loob ng isang taon hindi ko naman nakitang nagta-trabaho siya at hindi naman pwedeng su