KABANATA 47: NANINIBAGO ako. Hindi kasi talaga ako sanay magkwento ng mga ganito kay Daddy. Kaya pahapyaw lang ang nasabi ko. Siguro magandang umpisa na din ito at hindi maglalaon ay makukuha ko ng maging open sa kanya din at madali na lang magkwento ng nararamdaman ko. Usually, kapag umaalis kaming dalawa. We talked about my life in the US. Tapos itong trabaho ko sa Pinas. Inaalam ni Daddy ang nangyayari sa buhay ko. But not to the point na iyong mga deep thoughts ko sa mga bagay-bagay ay naiku-kwento ko sa kanila. I can still feel the gap between us. Iba kapag pinagmamasdan ko si Ate Aiko at si Daddy. Iba kapag lumaki ka sa magulang mo. But I have no bitterness or jealousy towards my sister. I just notice the difference. Wala ng ibang meaning iyon. Alam ko sa puso ko na ma