KABANATA 37: HINDI ko alam paano ko nagawang makatulog ng mahimbing. Halos makalimutan ko na kasing huminga ng normal sa mga oras na nakayakap sa akin si Daniel. Para akong nakalutang. I admit, that was unforgettable night for me. Hindi kailangan na may mangyari sa inyo para maging best and unforgettable na gabi siya. Ang tulad ng kagabi ay sapat na sa akin. First time kong makatulog ng ang katabi ko ay lalaking mahal ko at mahal ako. Ang ganda tuloy ng gising ko kinabukasan. Kaya lang wala na si Daniel sa kama. Maaga siyang nagising. Nauna kasi siyang nakatulog sa akin, e. Ako anong oras ng nahatak sa pagtulog. Napuyat pero ng oras na tuluyan ng nakatulog tuloy-tuloy naman na iyon at malalim na. Tinanghali tuloy ako ng gising. Kinuha ko ang note na nasa ibabaw ng bed si