KABANATA 41: TULAD ng nakaraang gabi ay hindi na naman ako nakatulog ng maaga. Hindi dahil sa worry ko na nasa iisang kwarto lang kami ni Daniel. Kundi hindi maalis sa isip ko iyong sinabi niya. Kung anong klaseng babae ang tingin niya sa akin. Nakatulala lang ako at nakatingin sa kisame. Gulong-gulo ako at pinagiisipang mabuti kung dapat na ba kong umamin. Kinakabahan ako kahit wala pa man. Kaya ko bang makita ang disappointment niya? Paano kung hindi niya kayang tanggapin? Paano kung ayaw niya sa babaeng tulad ko? Paano kung iisipin niya na baka gawin ko ulit ang ginawa ko noon? Handa na ba kong pakawalan siya? Handa na ba ko sa major na away naming dalawa? Ngayon lang ako nakaranas na umibig ng totoo. Ngayon ko lang naramdaman kung gaano pala kasarap na mahal ka ng mahal mo. Tapos