Elliza POV Nandito na kami sa puntod nila mommy at daddy kagaya ng iba ay kinakausap ko sila kahit imposibleng marinig nila ako "mommy....daddy....kamusta na po kayo diyan? ayos lang po ba kayo diyan? masaya po ba kayo? alam nyo po miss na miss ko na po kayo"hindi ko napigilan ang luha kong tumulo kaya napatigil din ako sa pagsasalita dahil sa mga hikbing lumalabas galing sa bibig ko malayo sa akin ang pito dahil gusto daw nila ako bigyan ng privacy "alam nyo po nahanap ko na po yung tunay kong magulang at nakakasama ko na po sila"nagtuloy tuloy na ang agos ng luha ko "thank you po dahil inalagaan nyo ako at tinuring na tunay na anak kahit hindi nyo naman po ako kadugo at kapamilya thank you po sa pagturing nyo sa akin ng ayos"kahit anong punas ko ng luha ko ay hindi parin ito natigil