Kabanata XXIX: Kill |Maria| "H...HINDI ka d-dapat pumunta dito.." paanas na sambit ni Eli. Kumunot ang noo ko dahil doon, lalo pa ng bahagyang humigpit ang pagkakahawak nito sa aking kamay. "Hindi k-ka dapat n-nandito..." nauutal na nitong sambit. Napansin ko ang panginginig ng kamay nito. Tumaas ang kilay ko. "Anong ibig mong sabihin?" Hindi ito kaagad nakasagot, naghabol ito ng hininga at mariing pinikit ang mga mata. Ang mga kamay nitong nakahawak sa braso ko ay nanginginig, na tila ba nanghihina. Mabilis na lumipad ang hawak ko sa kanya. "Bumalik ka muna sa kama—" Hindi ko natapos ang sasabihin ng umiling ito. "No..." "Pero—." "U-Umalis ka na dito.. M-Maria. Habang m-may oras pa." nahihirapan nitong sambit. Bahagya itong napaubo. Mas lalo akong nag-alala sa kalagayan niya ng