Kabanata XXXIII: Betrayed |Maria| HANGGANG ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Sobrang bilis ng mga pangyayari. I still can't believe that Hugo's dead. Parang kailan lang nang gustong-gusto ko siyang patayin, but someone did it for me. I'm free. Wala nang tangka sa amin. Hindi na kailangang maghigante ni Lucas. Hindi na kailangang magkaroon ng digmaan. Para sa ano pa iyon kung wala na naman si Hugo? Pero hindi pa rin ako mapanatag. I don't know why. Alam kong ligtas ako kay Leon, pero.... Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Mabilis kong sinarado ang librong binabasa ko. Hindi ko naman maintindihan kaya mas mabuti na lang na tigilan ko muna. Nakatitig lang ako sa mga letra pero okupado ang utak ko sa mga nangyari. Inilapag ko ang libro sa mesa nang makarinig ako ng yabag papalap