Chapter 4
Hindi mapigilan mapangiti ni Diana habang iniisip niya ang lalakeng nakilala niya kagabi
Walang iba kundi si Liam James Hoffman!
Unbelievable! Ito ang lalakeng magiging project niya bilang kabit nito
Nang malaman niya ang buong pangalan nito ay agad niyang sinearch sa social media ang account nito nagulat pa siya kung gaano ka-big time nito!
Isa lang naman ito sa pinaka-mayayamang pamilya sa buong Pilipinas. One of the most famous family in the world. Hindi lang kasi gwapo at magaganda ang miyembro ng pamilya nito kundi mga successful business owners pa! Jackpot na jackpot talaga siya kay Liam James!
"Sa wakas nakahanap rin ng target.." Napapangiting sambit niya habang nagpapahid siya ng lipstick na kulay pula sa kanyang kissable lips
Hindi niya matukoy kung bakit naging masaya siya simula pa kagabi. Hindi na rin maalis sa isip niya ang napakagwapong mukha ni Liam.
God he is beyond perfection! Makinis pa yata ang mukha nito kaysa kanyang mukha dahil walang kapores-pores ang balat nito.
Matangkad at mukhang masarap ang pangangatawan. Sa tantiya niya ay six footer ang height nito. Para itong miyembro ng basketball team dahil sa katangkaran nito. May kasabihan pa naman na ang matatangkad na lalake ay may mahahabang--Alam niyo na iyon.
Magaganda rin ang mga mata ni Liam na para bang napakasarap makipagtitigan. Tingin palang nito ay napapakagat labi na siya. Hindi niya mapigilan makaramdam ng kasabikan dahil nasisigurado niyang itutuloy niya ang usapan nila ng kaibigan nito
She will be his mistress by cook or by hook! Gagawin niya ang lahat mapalapit lang siya sa binata.
Naeexcite siya kapag iniisip niyang isa sa mga araw na ito ay matitikman niya kung gaano ito kasarap sa kama at higit sa lahat kung paano ito humalik
Nasasabik rin siya sa malaking perang kikitain niya sa pagiging kabit nito. Sa totoo lang kung kasing gwapo naman nito ang naghahanap ng kabit ay paniguradong kasing haba ng trapik sa edsa ang pipila para maging kabit lamang nito.
Taas kamay at paa pa siyang magpepresinta na maging kabit nito kahit pa siguro libre iyon.
Well, swerte lang talaga siya dahil babayaran pa siya ng kaibigan nito para lamang maging kabit ni Liam
Ngumiti siyang muli habang nakatingin siya sa sarili niyang refleksyon sa malaking salamin sa loob ng dressing room nila sa strip club na pinag-tatrabahuhan niya
Kanina pa niya hinihintay ang tawag ni Liam ngunit hangang ngayon ay hindi pa rin ito tumatawag sakanya. Baka nag-iisip pa ito kung papatol ba ito sakanya o hindi talaga.
Mukhang good boy pa naman ito base sa first impression niya sa lalake. Mukhang napakabait nito.
"Papayag ka rin sakin someday Liam James.." Malandi niyang sambit na para bang kaharap niya si Liam James kahit mag-isa lamang siya sa dressing room niya.
May kanya kanya kasi silang dressing room sa loob ng club na iyon.
Legal ang strip club na pinagtatrabahuhan niya at isa lamang iyon sa mga aprobado ng gobyerno na pinahihintulutan at maaaring maghubad ng damit ang mga dancer habang sumasayaw sa gitna ng stage.
As in hubot-hubad! Panty lamang ang pinagbabawal na hubarin.
Maraming mayayaman ang dumadayo pa talaga sa strip club na iyon para lamang manuod ng mga babaeng nag huhubad habang nagsasayaw
Malaki ang sweldo niya bilang dancer sa bar na iyon bukod pa sa mga tips na nakukuha niya
Isang beses sa isang buwan ay pumapayag siyang ma-take home ng sino mang lalakeng nais siyang ikama.
Ngunit piling pili lamang niya iyon dahil hindi niya kayang makipaghalikan sa lalakeng hindi gwapo at matanda kahit gaano pa kayaman ang mga ito ay wala siyang paki-alam.
Basta ang mga lalakeng naikakama siya ay talaga namang mga gwapo lamang at halos hindi nalalayo ang edad sakanya. Higit sa lahat nababayaran ng mga ito ang katawan niya sa tamang presyo na gusto niya. Madalas pa nga ay may malaking tips ang mga ito dahil ang galing niya raw makipag s*x
Napabuntong hininga siya ng maalala nanaman niya kung bakit niya ginagawa ang trabahong ito kahit pa registered nurse naman siya. Malalim lang talaga ang rason kung bakit niya isinanla sa impyernong mundo ang kanyang katawan at kaluluwa
Isang katok sa pinto ng dressing room niya ang nagpatigil sa kanyang malalim na iniisip.
Saglit niyang pinunasan ang kanyang luha dahil umiiyak na pala siya
"Diana?" Boses iyon ni Rico
Ang isa sa mga waiter ng strip club na iyon. Best friend niya ito dahil ito ang nagpasok sakanya sa trabahong iyon. Gwapo ito at maskulado rin. Malaki ang utang na loob niya dito. Kung hindi dahil dito ay baka hindi na siya humihinga sa mga oras na iyon
"Yes?" Nakangiti niyang pinagbuksan ng pintuan si Rico. Hindi siya nagpahalata na may lungkot siyang naramdaman ng maalala niya ang rason kung bakit niya ginagawa ang trabahong iyon
"Hi. Pinapatawag ka ni ma'am Linda sa VIP room. May Vip client ka ngayon" Nakangiting bati nito sakanya pagkatapos nitong halikan ang pisngi niya
Ganito naman sila palagi sa tuwing magkikita sila ay nag-bebeso beso ito sakanya or vice versa. Marami nga ang chismosa na nagkakalat na mayroon daw silang relasyon ni Rico. Pinagtatawanan lang nilang dalawa iyon dahil hindi naman iyon totoo
Magkaibigan lang talaga sila
"Oh really? Pero next number ako na ang sasayaw eh--"
"Cancel ang dance number mo sa stage tonight sabi ni ma'am Linda. Sa VIP ka ngayong gabi"
"Oh Okay ayos yun" Nakangiting sambit niya.
Doble kasi ang bayad sakanya kapag sa VIP room siya sasayaw. Mas malaki rin mag tip ang mga VIP guest
Isang room iyon na may sariling mini stage at pole sa gitna. Sasayawan niya ng espesyal ang mga VIP guest nila sa isang pribadong kwarto na sila lamang ang tao sa loob
Naghuhubad siya sa harap ng cliente niya habang nagsasayaw siya. Iyon ang trabaho niya.
Maari siyang haplusin ng mga VIP guest sa kanyang dibdib or sakanyang hita. Maari rin magsarili ang mga ito habang pinanunuod siyang nagsasayaw at naghuhubad sa harap ng mga ito
Ngunit bawal siyang halikan at isex. Patakaran iyon ng club nila. Kung nais siyang isex ng mga ito ay makikipag negosasyon muna ang mga ito sakanya.
Kapag gwapo at may pera naman ay pumapayag siya. Ngunit kapag hindi gwapo at matanda na ay hindi talaga siya pumapayag. Ayaw niyang makipagsex sa hindi niya bet
Iyon ang naging takbo ng buhay niya simula ng mangyari ang---
Tinigilan na niyang balikan ang pangyayaring iyon.
Ipinilig niya ang kanyang ulo dahil naiisip nanaman niya ang bangungot ng kanyang buhay
"Ayos ka lang ba Diana?" Nag-aalalang tanong ni Rico ng mapansin nitong may malalim siyang iniisip
"Y-Yeah ayos lang ako. Nalipasan yata ako ng gutom eh" Palusot niya
Ngunit totoo namang gutom na siya. Imbis kasi na kumain siya ng hapunan kanina ay mas pinili niya pang tumambay sa social media account ni Liam James
Sinave pa nga niya ang tatlong litrato nito sa kanyang cellphone. Wala naman post si Liam James sa f*******: page nito dahil hindi yata ito mahilig sa social media. Ang asawa lang nito ang nagpopost madalas sa wall ni Liam.
Medyo nagandahan naman siya sa asawa nito ng makita niya ang pictures ng mga ito sa f*******: ni Liam.
Medyo nagandahan lang siya dahil sigurado siyang mas maganda siya kay Nathalie. Mukhang party girl rin ang babaeng iyon base sa mga recent post nito sa social media
Wala nga itong post tungkol sa anak nito dahil panay party sa mga bar ang pictures na pinopost nito. Mukhang mahilig sa barkadahan ang babaeng iyon
"Gusto mo bang kumain muna bago ka pumasok sa VIP room?" Tanong ni Rico sakanya
Umiling lamang siya
"Mamaya nalang ako kakain pagkatapos ng sayaw ko sa VIP.."
"Alright. See you later then." Hinalikan ni Rico ang pisngi niya bago ito bumalik sa trabaho nito
Napabuntong hininga siya
Tinignan muna niya ang cellphone niya kung mayroon bang text o missed call si Liam James sakanya ngunit wala kahit isa! Mag-aalas nuebe na ng gabi at halos bente kwatro oras na simula ng huli silang mag-usap nito
Hindi niya nga maintindihan kung bakit excited na siyang makatangap ng text o tawag sa lalakeng iyon.
Naging crush niya kasi agad ito
"Kainis hindi man lang tumawag." Iniligpit na niya ang kanyang cellphone sakanya drawer. Bawal kasi ang cellphone sa tuwing sasabak na siya sa dance number niya
Inayos niya pa ang kanyang buhok at nagwisik siya ng kanyang paboritong pabango bago siya lumabas ng kanyang dressing room
Napakasexy ng suot niyang costume. Lacey black iyon na halos kita na ang buong katawan niya.
Sanay na siyang mag-suot ng ganito dahil hinuhubad rin naman niya iyon sa tuwing sasayaw siya
professional dancer siya dahil sa galing niyang sumayaw
Ngumiti sakanya ang bouncer na nagbabantay ng VIP room pagkarating niya sa tapat ng pintuan
"Kanina pa naghihintay yung client mo" Nakangiting sambit ng bouncer sakanya
"Hayaan mo siya sulit naman ang ibabayad niya" Sagot niya kaya napangiti ito ng husto bago siya pinagbuksan ng pintuan
Hinanda na niya ang kanyang matamis at mapang-akit na ngiti pagkapasok niya sa loob ng VIP room
Ngunit nawala ang magandang ngiti niya ng makita niya ang lalakeng naghihintay sakanya sa loob mismo ng VIP room
"L-Liam?" Di makapaniwalang sambit niya sa pangalan nito
Naka-upo ito sa sofa habang nakakunot ang nuo nito. Nakasuot pa rin ito ng office attire nito at mukhang napilitan lamang pumunta roon.
"P-Pasensya kana kung nandito ako. Hays dinala lang ako dito nila Kevin. He blackmailed me kaya wala akong nagawa kundi sumama dito"
Para bang nahihiya pa itong magpaliwanag sakanya
Saglit siyang napatulala dahil napakagwapo nito kahit pa medyo madilim sa loob ng VIP room
Napalunok muna siya dahil sa kanyang pagkabigla. Hindi niya inaasahan na ito ang VIP guest niya ngayong gabi
"H-Hi? I would love to dance for you mabuti naman at sumama ka sakanila dito" Bati niya kay Liam James bago siya lumapit rito. Hindi niya ipinahalata kay Liam na malakas ang pagtibok ng puso niya sa mga oras na iyon
Tumayo naman agad ito dahil nataranta ito sa paglapit niya.
"L-Look.. hindi mo naman kailangan gawin ang trabaho mo. You don't have to dance for me Diana. Pinagbigyan ko lang sila Kevin dahil ginugulo na nila ang buhay ko. J-Just pretend nalang na nagsex tayo--"
Natigil ito sa pagsasalita dahil napahagikgik siya
"M-May nakakatawa ba?" Kunot nuong tanong ni Liam sakanya
Napapangiti parin siya
"Halata kasing natataranta ka. Hmm nasesexyhan ka siguro sa suot ko ngayon no?" Pilya pa niyang inalog ang kanyang dibdib dahil napapatingin ang loko doon
Halos hubot-hubad na rin kasi siya sa suot niyang iyon. Kitang kita nito ang magandang hubog ng katawan niya
Agad itong nag-iwas ng tingin sakanya at siguradong namumula ang pisngi nito
"M-Miss itigil mo na yan hindi ako nagpunta rito para makipaglokohan sayo. I'm serious. Sana makipag-tulungan ka nalang sakin. Nababaliw na yata kasi ang mga kaibigan ko kaya kung ano anong trip nila. I don't want to cheat my wife sana klaro sayo iyon" Tumalikod ito sakanya habang kinakausap siya nito. Para bang ayaw nitong mapatingin sakanya
Napapangiti lalo siya dahil mas lalo siyang nagiging interesado kay Liam
Kakaiba ito sa lahat ng lalakeng naging client niya. Mukha itong f**k boy sa itsura nito ngunit good boy naman pala
May lalake pa palang katulad nito?
"Ang bait mo naman Liam James. Alam mo bang ang type ko sa isang lalake yung katulad mo?"
Lumapit siya kay Liam. Napapitlag pa ito ng hawak niya ang braso nito. Para itong napaso at napalayo agad sakanya
"G-Geez! Don't touch me miss. Umupo ka lang don!" Para itong mas lalong natetense dahil sa ginawa niyang paghaplos sa braso nito
Napaka-cute nitong magalit. Kung makaiwas ito ay wagas ngunit halata naman na nasesexyhan ito sakanya dahil napapalunok ang mokong ng sunod sunod
"Takot na takot ka naman sakin. Hindi naman ako masakit mangagat" Biro pa niya bago siya napakagat labi
Kumunot ang nuo nito at muling nag-iwas ng tingin sakanya
"A-As i was saying. Wala kang kailangan gawin ngayon gabi kundi lumayo sakin. Magpangap ka nalang na nagtrabaho ka ngayong gabi para tigilan nako nila Kevin. Ganoon lang kadali!"
Ngumiti siya
"Ayoko nga"
Napatingin ito sakanya habang nakakunot ang nuo
"M-Miss hindi ako nakikipaglokohan sayo. May asawa ako--"
"Ang sabi sakin nila Kevin, Salbahe daw ang asawa mo. Ilang ulit na raw nanglalake ang asawa mo kaya bakit mo pa siya iisipin ngayong pwede naman tayong mag-enjoy magdamag?"
Dumilim ang anyo nito na tila hindi nagustuhan ang sinabi niya
"You don't have the rights to interfere my private life. Problema na namin ng asawa ko iyon. Miss ayokong magalit sayo dahil alam kong trabaho mo lang iyan. Pero sana maintindihan mo, may pamilya ako at wala akong balak magkaroon ng kabit. Huwag mo ng dagdagan ang kabaliwan nila Kevin. please?"
Wala siyang masabi sa mga binitawang salita ni Liam. Lalo lamang itong gumagwapo sa paningin niya. Napakaswerte naman ng asawa nito.
Kaya siguro inaabuso ito ng Nathalie na iyon dahil sa kabutihan nito. Minsan talaga mahirap maging sobrang bait sa mundong ito.
"Ginagawa ko lang ang trabaho ko Mr.Hoffman" Sambit niya
Hindi siya nagpapatalo sa kabang nararamdaman niya
Kailangan niyang maakit ito sa santong paspasan.
"Miss maayos akong nakikiusap sayo"
Napalunok siya dahil tila seryoso nga ito
Tumalikod siya kay Liam upang pindutin lamang ang sound system ng buong VIP room.
Sasayawan niya parin ito at wala siyang paki-alam sa mga sinabi nito.
Trabaho lang at walang personalan.
Napalunok ito ng magsimula siyang sumayaw sa harap nito
Ginalingan niya ang pag giling sa saliw ng musikang nakaka-akit. Dahan dahan niya rin hinuhubad ang kanyang suot na damit ngunit hindi pa man niya tuluyan nailalabas ang dibdib niya ng pigilan siya ni Liam
"Please stop.." Kunot nuong pigil nito sakanya habang hawak nito ang kamay niya
Napatigil siya sa pag kembot at napatitig sa mga mata nito
Hindi niya inaasahan ang ginawa ni Liam nang hubarin nito ang sariling business coat at ipatong iyon sa balikat niya
"Ang lamig lamig dito naghuhubad ka. Magkakasakit ka pa niyan eh" Seryosong sabi ni Liam pagkatapos nitong isuot sakanya ang business coat nito
Kakaiba ang t***k ng kanyang puso sa mga oras na iyon. Ito pa lang ang lalakeng nagdamit sakanya simula ng magtrabaho siya sa club na iyon.
Halos lahat kasi ng lalake ay nais siyang hubaran at kainin ng buhay sa tuwing sasayaw na siya sa stage na iyon
Napalunok siya at hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya
"Please nakiki-usap ako sayo itigil mo na--"
Hindi niya alam kung anong espirito ng kalandian ang pumasok sakanyang katawan upang tumingkayad at gawaran ng halik sa mga labi nito si Liam
Nagulat ito sa ginawa niya at nanglaki ang mga mata nito
Napakalambot ng labi ni Liam ng matikman niya iyon! Mainit-init pa ang labi nito. Balak sana niyang igalaw ang labi niya ngunit tumutol na ito
Agad itong lumayo sakanya dahil sa ginawa niyang paghalik sa labi nito
"Miss! Trip mo ba talagang manghalik palagi ha?!" Namumula ang buong mukha nito dahil sa ginawa niyang paghalik sa mga labi nito
"S-Sorry ang bait mo kasi kaya napahalik tuloy ako sayo" Totoo naman iyon. Natouch kasi siya sa ginawa nitong pagpapahiram sakanya ng business coat nito
Napahagod ito sa buhok nito
"Damn. Huwag mo ng uulitin yun miss kasi hindi na ako natutuwa sayo pag inulit mo pa iyon" Pasimple nitong pinunasan ang labi nito gamit ang kamay nito
"A-Ang arte nagtoothbrush naman ako ah?" Reklamo niya dahil pinunasan nito ang labi nito
"Yung lipstick mo kasi nararamdaman ko" Balewalang sagot naman nito at pinakita pa sakanya ang kamay nitong may red lipstick niya
Napangiti siya dahil tila nagpaliwanag pa ito sakanya? Bakit? Ayaw ba nitong magtampo siya?
"Ayaw mo bang kahalikan ang may lipstick? Pwede ko naman burahin muna para sayo" Napapangiting biro niya kay Liam
Napa-upo nalang tuloy ito sa sofa sa sobrang stress nito sa kalulitan niya. Napakamot pa nga ito sa kilay nito.
"Just don't kiss me again. Nasasanay kanang manghalik eh" natatawang sambit nito mayamaya kaya naman napangiti na rin siya
Kinilig siya sa ngiti nito
Tumabi siya sa inuupuan nito. Natuwa siya dahil hindi na ito umiwas sakanya
"Bakit kasi hindi mo nalang subukan magkaroon ng kabit na kasing ganda ko? Ayaw mo bang lumigaya gabi gabi?"
Napangiti ito bago ito tumayo
"Baliw kana rin katulad nila Kevin. Uuwi na nga ako at ikaw kumain kana muna dahil kanina ko pa naririnig yung tiyan mo huwag kang nagpapalipas ng gutom kaya ka nababaliw eh" biro pa nito sakanya
Napalunok siya ng lumabas ito ng VIP room.
Hindi siya makapaniwala na hindi man lang ito bumigay sa karisma niya
Parang siya pa ang naaakit sa lalakeng iyon! Napakagwapo nito! Higit sa lahat ang bango ng hininga nito ang sarap sarap nitong halikan!
Napahawak siya sa kanyang sikmura. Naririnig pala nito iyon? Napapangiti tuloy siya dahil sa kakaibang kilig na nararamdaman niya
Mas lalo tuloy siyang nagiging interesado kay Liam James