Chapter 13 "Salamat sa paghatid Rico" Ngumiti lang si Rico pagkatapos nitong ibigay sakanya ang paper bag na naglalaman ng mga pinamili niya kanina "Dito ka lang pala lumipat? Mas maganda tong lugar na ito kaysa sa dati mong apartment" Ngayon lang kasi nakarating si Rico sa apartment niya. Simula kasi ng makuha niya ang perang down payment ni Nanie at Kevin sakanya noon ay napag-isipan niyang lumipat sa mas maayos na lugar. May mga tao rin siyang tinataguan kaya hindi siya maaring mag-stay sa isang lugar lamang. Katulad nalang sa apartment niyang ito. Plano niya lamang anim na buwan tumira doon hangang sa matapos ang kontrata niya bilang babaeng kabit ni Liam James "Oo mas mahal lang ng isang libo kaya lumipat na ako dito. Ayaw mo ba talagang mag-kape muna?" Aya niya ulit kay Rico