Chapter 50 SIA POV "Honey.." "Sia" Napalunok si Sia dahil umatras si Liam James ng akmang yayakapin niya ito. Halos dalawang oras na siyang naghihintay sa restaurant na iyon upang makausap lamang si Liam James. "I'm here to--" "Alam ko Liam. Maupo ka muna." Pigil niya sa nais nitong sabihin. Hindi niya mapigilan ang masaktan. She love this man so much. Ginawa niya ang lahat para magustuhan rin siya nito. She even begged him to be her boyfriend. Noong una ay ayaw nitong pumayag na maging nobya siya dahil may hinihintay daw itong babae. She can still remember that day. Pinagsisihan niya tuloy ang kanyang sinabi kay Liam James noon. Flashback "What are you doing here?" Matamlay na tanong ni Liam James sakanya habang nagpapakalasing nanaman ito sa night bar ng kapatid nito Ilan