Chapter 47 TIYA NATY POV "Hindi pa ba uuwi ang ate Diana mo?" Tanong niya kay Arley pagkatapos nitong kausapin sa cellphone nito si Diana Umiling ito habang nakangiti "Hindi pa daw ho tiya. May pupuntahan daw silang tatlo saglit bago umuwi dito. Mukhang nagkabalikan na po si ate Diana at kuya pogi!" Napalunok siya. Parang tinambol ng nerbyos ang puso niya. Napahawak tuloy siya sa gilid ng pader na malapit sakanya. Para siyang nanghihina. Hindi niya akalain na magkakabalikan pa ang mga ito. "Tiya ayos lang ho ba kayo? Parang namumutla ho kayo?" Pinilit niyang ngumiti. "A-Ayos lang ako. B-Babalik na ako sa restaurant baka kailangan na nila ako doon" Tumango lamang ang pamangkin niya ngunit alam niyang napapansin nito ang pagkabalisa niya "Sige ho tiya Naty" Hindi niya alam kun