The Finale ❤️ "Yehey mag SM daw po tayo mamaya sabi ni daddy!" Napapasayaw pa si Limar at Lenard habang kumakain sila ng tanghalian. Lechon manok ang ulam nila dahil nag-order lamang sila. Umalis kasi sila tiya Naty at Arnel kaninang umaga dahil may pupuntahan daw ang mga ito. Hindi man lang nga hinintay ng mga ito na magising sila dahil pagkagising nila ay wala na ang mga ito Wala naman oras magluto si Diana dahil buong umaga siyang inangkin ni Liam James. Kung hindi pa nga sila kinatok nila Limar at Lenard ay hindi pa siya titigilan ni Liam James sa kama. Wala tuloy siyang naluto! Kaya minabuti nalang nilang umorder ng lechong manok tutal paborito naman iyon ng mga bata lalo na kapag isinawsaw sa mang-tomas lechon sauce "Asus ang saya saya ng bata oh? Palibhasa papabili ka nanaman
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books