KABANATA 31: RIX POINT OF VIEW: SOBRANG SAYA KO NANG MALAMANG pinakawalan na si Denzel dahil wala nang kasong pwedeng isampa sa kaniya. Bagamat siya ang may pananagutan sa nangyari kay Neda Villareca at Arnel Arabella ay hindi naman siya sinampahan ng kaso ng mga ito dahil siguradong may alam din sila sa tunay na dahilan kung bakit pinatay ang mga kaanak nila. Gustong-gusto ko na sanang puntahan si Denzel sa bahay niya pero hindi ako pinayagan ni Sixto lalo na at alam niyang totoong mamamatay tao si Denzel. Natatakot siyang muling magtiwala. Natatakot siya sa posibleng mangyari sa akin lalo na at hindi pa tapos ang problema ni Denzel. Kaya bantay sarado na naman ako sa kaniya at hindi na naman ako pinagtrabaho. Nakakainis na ganoon na siya kahigpit sa akin pero sa kabilang banda'y naiin

