KABANATA 15: HAPON NA NANG MAGISING ako sa ibabaw ng kama ni Denzel. Pagkatapos niyang magkape kaninang umaga, pinatulog niya muna ako bago siya umalis. Hindi ko nga alam kung paano niya ako napatulog na nakahiga sa binti niya e. Tapos nagising na lang ako ngayon na nasa kama niya na ako. Bumangon kaagad ako at dumiretso sa kusina para magtanghalian. Alas tres na pero tanghalian palang sa akin dahil nga napasarap ang tulog ko. Hindi ko alam pero sa tuwing dito ako natutulog sa kwarto ni Denzel, mas payapa ang tulog ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa may kama at papag lang ang tinutulugan ko sa apartment o dahil maaliwalas ang kwarto ni Denzel. Magluluto pa sana ako ng makakain pero nakita kong may pagkain na sa lamesa. Napangiti ako nang makitang may kare-kare at bagoong alamang ang lama

