"Anong ginagawa ni Bianca sa loob ng opisina mo?" Kumunot pa ang noo niya. "She's a client." Kliyente! Tapos ay pumupunta rito sa bahay? "Bakit naman pumupunta pa 'yon dito sa bahay kung kliyente lang naman pala. Pwede namang doon nalang sa firm." Unti-unting nawala ang kunot sa kanyang noo at buntong-hininga akong tiningnan. "That day, lumapit sa akin si Bianca para sa pinapaasikaso niya. Sa opisina ko siya dumiretso pero pauwi na ako noon para sunduin ang mga anak natin. Mapilit at sumama na sa 'kin. Kaya pagkatapos masundo ang mga anak natin ay balak kong dito sa bahay nalang mapag-usapan 'yong concern noong tao." paliwanag niya. Muli siyang nagbuntong hininga. "At 'yung naabutan mo kanina sa opisina, pina-follow up niya lang 'yong pinapaasikaso niya sa 'kin." Parang sa wakas ay n