"You're having twins!" masayang anunsyo ni Doctora. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Napabaling ako kay Troy na nanatili lang ang mga mata sa screen at awang ang labi. Hindi ito halos nakapagsalita at kita ang pagkamangha. Binalik ko ang mga mata sa screen at hinanap ang excitement o kahit na anong pakiramadam sa aking kalooban. Ngunit kagaya lang noong una ko rin marinig ang heartbeat ay wala akong maramdaman—hindi ko lang talaga alam kung ano ang mararamdaman. Naging sobrang mabilis para sa akin ang lahat. Hindi ko ito inasahan. Parang sa isang iglap lang ay naglaho ang mga pinlano ko na. Ang mga nakikita ko na noon para sa hinaharap. Wala na akong makita ngayon. Parang biglang hindi ko alam kung nasaan na ako. Nakakalito. Nakakamanhid. As if I was in shock of everything.