Dahil sa traffic ay mukhang hindi ko agad mapupuntahan si Troy. Galing pa akong escuelahan at suot pa itong usual na uniform naming mga public school teachers. "Salamat, Manong." sabay abot ko ng pamasahe. Bumaba ako sa taxi at pumasok na sa lobby ng building. Pagabi narin. Umakyat ako sa tamang floor ng unit ni Troy. Mag-d-doorbell palang sana ako nang mapansing nakaawang ang pinto nito. Kumunot ang noo ko at agad tinandaang pagsasabihan ko siya sa pag-iwan ng kanyang pintuang bukas. "Troy?" tawag ko habang nasa pasilyo patungo sa kanyang living room. Naabutan ko siya roong nakaupo sa sahig. Pikit ang mga mata at nakasandal lang sa sofa sa kanyang likuran. Wala siyang damit pang-itaas at tanging isang kulay abo na sweatpants lang ang suot. Sa isang kamay ay may hawak siyang sigaril