Chapter Twelve Inangat ni Troy 'yong lalake sa kwelyo nito. Walang pagdadalawang isip niyang sinuntok. Napatili ako kasabay ng mga halos gulat rin nakakasaksi sa nangyayari. Maagap akong lumapit para awatin siya. Muling bumagsak ang lalaki sa sahig ng dancefloor. Sinipa pa niya ito! "Troy!" pumagitna ako at halos yakapin siya palayo doon. "T-Tama na," Malakas ang pintig ng puso ko. Ramdam ko ang takot at pangamba. Halos manlamig ako sa nakitang naglandas na dugo mula sa bibig ng lalaki. Nag-angat ako ng tingin kay Troy at nakita na naroon parin ang dilim sa kanyang mukha. Nang magbaba siya ng tingin sa akin ay doon lang yata nagbago ang kanyang ekspresyon. Lumamlam ang mga mata habang nakatingin sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila palayo sa karamihan. "Hey, where are you