"Anong ibig mong sabihin?" bakas ang gulat sa mata ni Kuya Jiro. Ang mga labi niya ay bumubumuka at sumasara animo'y may nais siyang idagdag sa kaniyang sinabi. Tipid akong ngumiti. "We saw Oscar Lee, that's what I thought but then," umiwas ako ng tingin. "Kuya Gio told me it is his young version. It might be his son?" Naririnig ko ang mararahas niyang paghinga. Hindi na ako nagsalita pa, ganoon din siya. Ilang sandali pa ay tahimik siyang umalis at tumungo sa loob. Naiwan ako roon na hindi alam kung tama ba na ipinagbigay alam ko sa kaniya ang tungkol doon. Ilang sandali pa ay bus naman ang huminto sa harapan at lumabas doon si Viro. Agad na sa akin bumagsak ang tingin niya at naka-kunot agad ang noo. Sinubukan ko na ngitian siya. "Ang tagal mo naman maka-uwi?" panalubong kong t