Hindi maipaliwanag ang ekspresyon sa mukha ng Kapitan ng sabihin namin iyon. Sumandal siya si sofa at tinignan kami na tila sinasabing wala siyang panahon para sa pakikipag-lokohon. Mabilis akong tumikhim. "Naisip na rin ho namin na baka hindi iyon totoo, guni-guni o 'di kaya ay troll lang pero..." binalingan ko si Viro, hinihintay na magsalita siya ngunit hindi nangyari iyon. Bumuntong hininga ako at s*******n muling sinalubong ang tingin ng Kapitan. "Ang tawag, alam ko na totoo iyon," giit ko. "There is a video too," nagiging malakas na ang boses ko. Humugot ng malalim na hininga nag Kapitan at tumango tango. "Sa isang imbestigasyon..." dumating ang babae na pinakuha niya ng pagkain. "Sa isang imbestigasyon, hindi maaaring mag-conclude ka lamang ng mga hinala na siyang