Lamig. Sobrang lamig na tila nanunuot iyon hanggang aking kalamnan. Tila napakatahimik ng paligid na tanging ang paghinga ko lamang ang aking naririnig. Wala ng iba. Kahit tunog ng kulisap ay hindi pinauunlakan ng katahimikan. I know this feeling. I know this aura of the place and the smell of undying medicines and drugs. Alam na alam ko kahit hindi ko idilat ang aking mata. Ayokong idilat ang aking mata, ayokong tanggapin ang katotohanan na iisa at iisa lang ang makikita kong kulay. Puti. Kulay na halos gusto ko ng isuka. Gustong gusto ko ng makalabas. Gusto kong makalaya pero paano? Ang kaninang tahimik na lugar ay nagkaroon ng mumunting hikbi na tila hirap na hirap na lumabas sa bibig ko. Ingay na tuwi-tuwina ay maririnig ko na sa akin din naman nagmumula. Tumagilid ako at hinapi