"Robin, you ready, honey?" I heard my Mom shouted from her room. Siguro'y handa na sila kaya nagmamadali. Ito ang unang araw na papasok ako sa kaisa-isang University dito sa Barrio Venza.
Dinampot ko ang itim na shoulder bag na bagong bili lamang ni mommy. She really want to give me the best. Mukhang mamahalin pa ito base sa pinaglagyan at sa tatak nitong YSL. Sinulyapan ko sandali ang sarili ko sa salamin at nang matantong wala namang problema sa aking itsura ay dumiretso na ako palabas.
Naabutan ko si Mommy na iniaayos ang Necktie ni Doctor Lee. Umirap ako sa kawalan. What a nice scene to see. Dumiretso na ako pababa at 'di na sila hinintay pa. Sariwang hangin ang sumalubong sa akin paglabas ko pa lamang ng pinto. Maganda ang umaga ngayon. Hindi gaanong mainit at hindi rin gaanong malamig, sakto lamang.
Bumuntong hininga ako at saka tumungo sa sasakyang gagamitin paalis. Tanaw ko na hindi kay Mommy ang gagamitin namin. Tinawid ko ang tulay na nagdudugtong sa bahay patungo sa kalsada. Lumagitik iyon na nagpangiti sa akin. Iba talaga ang dating ng lugar na ito sa akin. Naaalala ko noong bata ako na takot na takot pa akong tumawid dito.
Dumoble ang paglagitik ng tulay dala ng pagtapak nila Mommy. Binilisan ko ang paglakad para makalayo sa kanila. Nang marating ko ang kotse ay agad kong binuksan ang pintuan sa likod at hinayaan silang dalawa sa harap. Miski ang makasama ang lalaking iyon ay hirap para sa akin. Hinalughog ko ang bag ko para hanapin ang headphone at kinonekta iyon sa cellphone na binigay sa akin ni Mommy three weeks ago.
Pinag-aralan ko iyon dahil 'di tulad ng iba ay ngayon lang naman ako nakahawak nito. Nakapaninibago sa una at nakalilito ngunit kalaunan ay nakasundo ko rin naman. If only I knew this stuff, sana ay nag-request na ako kay Mommy noon pa lang para hindi ako naburyo ng sobra sa loob ng impyernong iyon.
Bago pa sila makapasok ay nasuksok ko na sa tenga ko ang headphone at agad pinatugtog iyon. Umiiwas akong makausap sila dahil hindi naman ako komportable. I saw Mommy looked at me and shrugged, marahil nahalatang ayoko makipag-usap which is good.
For the past few weeks since she found out that I can really talk and I just played like I can't, hindi na siya tumigil sa kakakausap sa akin na hindi ko naman pinapatulan. Sometimes when I get annoyed, lumalayo na lamang ako. Mabuti na lamang at naunawaan niya iyon ngayon.
Sa byahe, hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kaba. My mind is full of negative thoughts. What if they find me weird and creepy? What if I can't passed even just one Quiz? I stopped studying when my Mom admitted me on the Hospital. I was in Grade 10 back then. Hindi ko rin natapos ang School at kahit magpaalam ay hindi ko na nagawa. What for? My classmates and even my teachers are not fond of me. Kadalasan noon ay nag-iisa ako sa recess at maging sa lunch break.
I tried to start a friendship with them pero dahil nga hindi ko pa gamay ang abilidad na meron ako at hindi ko makontrol ang bawat salita, nauuwi sa g**o ang lahat. I remember the time when my teacher scolded and hurt one of my classmate naging ka-close ko noon. Hindi niya ito pinakinggan at hinayaanv magpaliwanag bagkus ay pinahiya lamang sa klase. Sa galit ko ay hindi ko na namalayan na nasigawan ko siya at nakapagsabi ng salitang nagdala ng kapahamakan sa kaniya. Simula noon ay halos ayawan na ako ng lahat sa paaralan dahil sa iba't ibang usapan.
Kumalat na isa kaming lahi ng mangkukulam, isinumpa ako at ang iba naman ay inakalang sugo ako ng demonyo. Ilang beses man magpaliwanag si Mommy na aksidente ang lahat ay walang maniwala. Lumipat kami ng bahay simula noong mawala ang Daddy at nasundan iyon ng makagawa ng g**o ang bawat kong salita.
Minsan ay sa pinakaliblib na lugar na nga kami naghahanap ng matitirhan. Subalit ang iilan kung hindi ako ituturing na sugo ng kamalasan o ng demonyo ay itinuturing naman akong diyos at inaalayan ng iba't ibang bagay. Sa tingin ko ay dahil sa mga pangyayaring iyon kaya naisipan ni Mommy na lumapit kay Oscar Lee para humingi ng tulong, iyon nga lang ay mas malala ang sinapit ko sa kamay nila.
Bumuntong hininga ako. May magbabago kaya ngayon? Kaya ko kayang makipagsabayan at ipakitang normal lang ako tulad ng ibang estudyante?
Binuksan ko ang bintana ng kotse at inilawit ang aking kamay doon. Maya maya ay sumungaw ako para mas malanghap ang hangin. Sa kabayanan pa ang paaralan, may kalayuan sa kung saan nakatirik ang aming bahay. Barrio Venza is just a small street of Nanno City. Maganda ang bayang ito dahil sa Nature vibe. May iilang establishments na rin akong nakita noong pagdating namin dito.
Medyo marami na ring nagbago, naalala ko noon na wala namang gaanong pasyalan at bilihan noon. Isang palengke na pamilihan na ng lahat, isang simbahan, paaralan para sa primarya at sekondarya at palaruan ng mga bata na paborito ko noong puntahan.
Ngayon naman ay may mga boutique na at ilang arcade. In terms of tourist spot naman, mayaman ang Bayan na ito sa dagat at ilang anyong tubig tulad ng falls at lakes, isa na roon ay ang lawa na nakapalibot sa bagay namin. May mga Beach Resort naman at ang iba ay hindi lang fully develop but I can see that years from now, ang tahimik na bayan na ito ay magkakaroon ng ingay mula sa mga dayuhan. I am hoping na masaksihan ko iyon.
Pinindot ko ang stop button ng Music ng matanaw ang arko na palatandaan na nasa kabayanan na kami. Nilingon ako ni Mommy at nginitian. Tipid lang ako ngumiti pabalik dahil sa nararamdamang kaba. I didn't asked for them to assist me kaso noong nag-offer siya ay hindi ko na tinanggihan. Gusto kong kahit papaano ay may kasama sa pagpasok para hindi ako umatras.
Diretso ang sasakyan sa loob ng University. Tanaw kong maliit pa rin ito at kaya lamang umukopa ng higit isang daang estudyante. Huminto ang sasakyan sa maliit na espasyo katabi ng maliit na Science Park. Nauna silang bumaba habang ako ay pinipilit maalis ang kabang nararamdaman ko. My mind is clouded by negative thoughts. Kahit anong inhale exhale ang gawin ko ay hindi yata nababawasan ang kabang nararamdaman ko. I saw Mommy wave her hand—telling me to step out of the car.
Kahit nanginginig ay pinilit kong kolektahin ang sarili ko. Ilan pang mararahas na paghinga ang ginawa ko bago lumabas. Mommy held the door for me. Paglabas ko pa lang ay kinuha na niya ang nanlalamig kong kamay.
"Don't be scared, honey. Try to relax," nakangiti niyang sambit bago ako inakay na maglakad.
May mga nakasalubong kaming estudyante na binigyan kami ng kuryusong tingin. Ang ilan ay nagbubulungan at iba naman ay walang pakealam. Mukhang masyado pang maaga kaya naman nasa labas sila.
Mommy approached someone.
"Excuse me, saan dito ang Dean's office?" tanong ni Mommy. The woman pointed the third door on the Second floor. Isang three story building ang mismong nagsilbing front view ng University. Ang dalawa sa magkabilang gilid ay mayroon na lamang dalawang palapag at pitong classroom yata roon habang ang three story naman ay may may sampung room.
Halatang halata na bagong pintura lamang ang classroom. Dalawang buwan akong late kaya nga labis labis ang pagpapasalamat ni Mommy na tinanggap pa rin ako.
Nagpasalamat at nagpaalam si Mommy bago kami tumungo sa taas. Nauuna sila sa akin at nakaalalay si Dr. Lee kay Mommy na akala mo'y malalaglag ito sa bawat paghakbang. I wonder if what he feels for Mommy is true or pakitang tao lang iyon para hindi kami tuluyang makawala sa mga galamay niya. Umiling ako at iwinaksi ang negatibong naisip. This is my first day of School at dapat lang na hindi ko dalhin rito ang issue ko sa bahay.
Huminto ako ilang hakbang mula sa pinto habang ang dalawa ay nasa harap na at hawak ang door knob. Nilingon ako ni Mommy at sinenyasan na lumapit, wala akong magawa kundi sumunod. Ilang katok ang ginawa ni Dr. Lee bago pinihit ni Mommy ang door knob. Huminga ako ng tatlong beses bago sumilip. Nang makitang maayos na tinanggap ng principal si Mommy at binati ng ilan pang guro na naroon ay pumasok na rin ako. Mabilis na lumipat ang tingin nila sa akin, tulad kay Mommy ay bumati sila at sinalubong ako ng ngiti.
Nang matapos ang usap nila ay may isang guro na nag-assist sa amin. Hindi ko alam kung saan banda kami pupunta. Ang kursong available lamang dito ay Education at Engineering. Wala akong pagpipilian kundi ang Engineering. I don't want to take Education because of my case. Alam kong kaya ko na kontrolin ang sarili ko but I can't risk it. Mommy is a teacher way back, naaalala ko iyon and I saw how hard it is to handle a student, bata man o matanda.
"Dito ang unang klase niya. Maari niyo na siyang iwanan. Mr. Castillo will be there to assist her. Nasabihan na namin siya tungkol sa issue. Wala na ho kayong dapat na ipag-alala," paliwanag ng petite na teacher na may maamong mukha.
Nagpasalamat si Mommy sa kaniya. Nanatili ang tingin ko sa pintuan.
Mommy looked at me with worries on her eyes.
"Here it is, Robin. Enjoy your first day, honey. " Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin doon. Nang mapansin ang aking pagkatigalgal ay nilapitan niya ako at hinawakan.
"This is the start of a normal life, remember?" Tinitigan ko siya ng ilang sandali bago tumango.
"I can do this," mahinang bulong ko. Tumango siya sa akin.
"Go on, Robin. Enjoy your new life," I heard Dr. Lee uttered.
Tumalikod ako at saka pinihit ang door knob.
"Goodluck, honey," I heard Mom said bago ako tuluyang pumasok sa loob. Sumalubong sa akin ang mahigit labindalawampung estudyante na nagkaklase. Sa harapan ay nakatayo ang sa tingin ko ay trenta y sais na lalaking mukhang istrikto base sa pormahan, mukha at tindig nito. Hindi ko maiwasang lumunok dahil naging triple ang kabang nararamdaman ko.
"Yes?" Malaki ang boses niya na halos iyon na lang ang marinig sa classroom.
Sinubukan kong ngumiti pero alam kong hindi maganda ang kinalabasan noon. Tuikhim ako at inipon ang kakaunting lakas ng loob na meron ako bago nagsalita.
"I'm.... Robin Caniete..." Tumikwas ang kilay ng guro at iba naman ay naanonood lang.
"T-transferee... po?"
Hindi ko alam kung putol putol ba ang salita ko dahil matagal akong 'di nangahas makipagpalitan ng salita sa ibang tao o dahil sa sadyang kinakain ako ng kaba.
Nakatingin lang ako tagos sa Gurong nasa harapan ko dahil hindi ko siya magawang tignan sa mata. Sinipat niya ako ng ilang beses bago inayos ang salamin sa mata.
"Ikaw iyong Cancer Survivor?" sambit niya na ikinagulat ko. Panandalian akong nag-isip bago pagkuwan ay tumango.
"Find a seat," iyon lang sinabi niya at bumalik sa pagtuturo.
Pinili kong umupo sa dulong bahagi dahil may tatlong upuan doon na hindi ukupado. Mayroon din naman sa harapan, iyon nga lang ay hindi ko gusto na malagay doon. May iilang ngumiti sa akin at ilan ay patuloy lamang sa pagsulat. Mas marami ang kalalakihan kumpara sa babae dahil usually nasa Educational department sila.
Nilibot ko ng tingin ang kabuoan ng room. Puro tungkol lang sa Mathematics ang naroon. Ang aga aga pero major subject agad. Bumuntong hininga ako. Tumingin ako sa harap at sinubukan na intindihin ang lesson pero lumilipad ang utak ko sa sinabi ng Guro kanina.
Mommy told them that I am a cancer survivor kaya siguro kanina sa Principal's office ay tinitignan nila ako ng kakaiba na akala mo ay naaawa. Ngumibit ako at saka hinayaang liparin ang isip sa kung saan.
"Sa dami ng araw ng pasok, kaya ko kayang maka-survive?"
"Oo naman as long maging matiyaga ka," sambit ng 'di ko kilalang boses. Mabilis na dumapo ang tingin ko sa pinanggalingan noon.
I didn't know that I voice out my thoughts. Mabuti na lamang at hindi malakas but still... may nakarinig pa rin. Nakita ko ang nakangiting babae sa tapat ko. Sa tingin ko ay siya ang may ari ng boses na iyon.
Ilang sandali lang siyang nakatingin sa akin bago muling tumingin sa harapan. Sinipat ko siya. Sa tingin ko ay nasa five two ang tangkad niya, alon alon ang kulay brown na buhok, maputi at may matangos na ilong. Nabibilib akong isipin na may babaeng gusto ang engineering, para sa akin kasi ay panlalaki ang kursong iyon at nagkataon lang na wala akong choice kundi ito ang kunin. Bibihira sa isang babae na kuhanin ang kursong ito, manapa ay Architecture; pero dahil iba na nga ang panahon ngayon ay halos magkabaligtad na ang trabaho ng lalaki at babae.
Natapos ang Klase kay Mr. Castillo makalipas ang dalawang oras. CHEM ang subject at may pagkamahirap daw. Ilan pang subject ang natapos sa loob ng kalahating araw. May vacant ako ayon sa Schedule na ibinigay sa akin ng Teacher. Mag-isa akong nakaupo sa isang bench na narito sa nagsilbing Garden ng University. Pinaikot ikot ko ang cellphone na hawak ko gamit ang kanang kamay, nag-uubos ng oras kakaisip kung ilang boring na araw pa ang magdaraan. Napuknat lang ako sa pag-iisip ng may naramdaman akong tumabi sa akin. Nilingon ko iyon at natagpuan ang babae kanina sa unang klase ko kasama ang hindi pamilyar na lalaki sa tabi niya na nakatayo.
"Hi," nakangiting sambit niya. Wala akong nagawa kundi tumango at bumati.
"Hi..." Gusto kong kahit papaano ay malagyan ng sigla ang aking boses subalit hindi ko yata nagawa.
Hindi naalis sa pinkish niyang labi ang ngiting iyon.
"I'm Clarisa and this is Harry, boyfriend ko," sambit niya. Tumango ako at ngumiti ng alanganin, hindi alam paano o ano ang dapat ipakitang ekspresyon.
"Uh... Nice to meet you, I'm Robin," tanging nasabi ko at bahagya iniyuko ang ulo dahil nakaramdam ng hiya.
This is really my problem. Hindi ko makayang makipag-usap ng normal
"Ilang oras ang vacant mo, Robin?" Inilapag niya ang mga gamit niya sa lamesa na gawa sa semento ang bag niya at ang iba pang gamit na dala. I also saw in my peripheral vision na umupo sa tabi niya ang boyfriend niya. Mukha itong suplado na kabaligtaran ng nakikita ko sa ugali ni Clarisa.
Tumikhim ako at saka sumagot, "Dalawang oras."
Nanlaki ang mata niya matapos marinig iyon.
"Two hours, really? Ang swerte mo naman. Kami laging one hour o 'di kaya ay thirty minutes lang," Ngumuso siya matapso sabihin iyon. She already have a pouty lips at lalong lumaki iyon ng gawin niya iyon.
"Siguro ay dahil bago lang ako," sagot ko sa sinabi niya. Inilapag ko ang cellphone ko sa lamesa.
"You are also a Cancer survivor kaya hindi ka binibigla. As far as I know, Tumor ang iyo." Sambit ni Harry na hindi ko inaasahan. Mukhang ikinagulat iyon ni Clarisa dahil sa biglaang pagsinghap nito at nanlalaki ang matang tumingin sa akin.
"That's what you've gone through?" Tanong niya, halos 'di pa rin makapaniwala. Tumango ako para sakyan iyon. sa totoo lang ay hindi ko alam paano naging madali ang pagpasok ko sa isang University kahit na hindi man lang ako nakatapos ng Grade ten. Maaring dahil na rin sa ginamit na dahilan ni Mommy na sa tingin ko ay epektibo.
"Wow! You are amazing Robin. Grabe! minsan lang ako makakilala ng taong nagdaan at naka-survive sa malalang sakit na iyan," madramang sambit niya.
"Hindi uso sa lugar natin iyan," tipid na sambit ni Harry.
Nakita kong umikot ang mata ni Clarisa sa kawalan.
"Hindi mo masasabi, Harry."
Nilingon niya uli ako saka kinausap. "So, Gusto mo talaga ang Engineering o wala kang pagpipilian?" tanong niya.
Kumibit ako ng balikat at saka sumagot, "Wala akong choice. Ayoko ng education." Humalakhak siya matapos marinig iyon.
"Same here. Hindi ko kaya magsalita sa harapan ng tao lalo na ang magturo sa mga bata. Sa kapatid ko pa lang naiinis na ako, e," Nakangiti paring sambit niya.
"Nga pala, kumain ka na ba?" tanong niya sa akin ng mahalatang bag at cellphone lang ang dala ko.
"Hindi pa. Hindi pa ako nakararamdam ng gutom." sagot ko.
Nginiwian niya ko. "Sa umpisa lang iyan. Sa mga susunod na araw at linggo mo dito, sigurado ako na palagi kang gutom kasi iyon na lang ang makapag-aalis ng stress mo. Tignan mo nga ako, laging may baon just in case atakihin ako ng gutom at malayo sa canteen." Mahabang paliwanag niya. Tumango tango ako, hindi alam ano ang sasabihin.
"May naintindihn ka ba sa CHEM kanina?" tanong niya. Dahan dahan akong umiling, "wala..."
Tumawa siya sa aking tinuran. Sa tingin ko ay siya ang tipo ng taong happy go lucky lang at hindi gaanong siniseryoso ang mga bagay bagay.
"Ganiyan talaga lalo na hindi mo naman talaga gusto ang course mo, pero habang tumatagal ay mauunawaan mo rin at mai-enjoy tulad ko. "
Inilabas niya ang isang maliit na botelya ng inumin at dalawang pakete ng kulay blue na biscuit. Nilapag niya iyon sa mismong harapan ko at saka bumaling sa akin ng nakangiti.
"Kunin mo ito. Two hours ka dito kaya baka magutom ka. Mabisang pampatanggal ng gutom iyan."
Iniurong niya ang makapal na libro sa akin at saka tintuktok doon ang daliri. "Basahin mo, Calculus iyan, next subject mo after ng two hours break," sabi niya.
Kumunot ang noo ko sa labis na pagtataka kung paano niya nalaman na iyon ang sunod kong subject. Mukhang nahalata niya ang pagtataka ko kaya naman inginuso niya ang hawak kong papel gamit ang kaliwang kamay. Nakita kong nakalantad ang schedule ko na agad kong itinupi.
"Don't worry ako lang ang makakaalam niyan. Tsaka iyon lang ang nabasa ko kasi alam mo na, medyo malabo na ang aking mata," tumaas baba ang kilay niya na nagbigay kulit sa mukha niyang maamo.
Sumilay ang ngiti sa labi ko. Hindi ko alam kung bakit komportable agad ako sa kaniya. Siguro ay dahil sa dami ng nakasalumuha kong estudyante sa araw na 'to ay siya talaga ang unang pumansin at nagkaroon ng pakealam sa akin.
"Salamat, Clarisa pero may makakain ka pa ba mamaya?" tanong ko at sandaling sinulyapan ang pagkain sa harapan.
"Huwag ka mag-alala, marami akong baon na ganiyan kaya hindi ako magugutom. Food is life!" she giggled after she said that.
Napangiti ko sa sinabi niya. Ilang minuto pa niya akong kinausap bago sila nagpaalam dahil may klase na sila. Kumaway siya sa akin ng medyo makalayo na bago sumigaw, "Kumain ka, ah?" saka tuluyan ng tumalikod.