Sumapit ang umaga ngunit wala pa rin akong balak na bumangon. Siguro ay maaaring hindi muna pumasok ngayon. Hindi ako nakapag-alarm kung kaya naman late na rin ako nagising araw na yaon. Isa pa, wala pa rin ako sa aking sarili at hindi nais na lumabas sa kwarto kung hindi lamang sa isang matinis na boses na bumulabog sa tahimik na kwarto. "Rivs baby, Vi baby, wake up wake up!" Narinig ko ang kalantog ng pagbagsak niya sa may higaan sa baba ng akin. Malamang ay dinamba si Viro. Bakit nga ba nakalimutan kong naririto siya ngayon? Marahil ay dahil okupado ang aking isipan ng tungkol kay Lola at sa dalawang Nurse. "Bangon na mga darling ko." Humagikgik siya pagkatapos noon at mas lalong natawa ng marinig ang mahinang reklamo ni Viro. Isang buntong hininga ang aking pinakawalan at sak