bc

MARRYING MR. BILLIONAIRE

book_age18+
4.3K
FOLLOW
18.8K
READ
billionaire
contract marriage
arranged marriage
inspirational
CEO
drama
bxg
small town
like
intro-logo
Blurb

Siya si Mariel Bartolome, anak ng isang mayaman na businessman sa Baryo Uno. Si Mariel ay gusto ng Daddy niya na ikasal siya sa isang mayaman at bilyonaryo sa karatig baryo na si Jaeden Dela Luna.

Ngunit ayaw ni Mariel dahil mahal na mahal niya si Jerome ang kaniyang boyfriend, walang magawa si Mariel dahil buo na ang desisyon ng kaniyang Daddy at siguradong malaking gulo pag sinuway niya ang desisyon ng kaniyang ama.

Wala nang ibang paraan si Mariel at ang tanging nag-iisang paraan niya nalang ay ang kaniyang kapatid. Inalok ito ni Mariel na magpanggap, dahil saktong may sakit ang nanay ni Ariella ay hindi na siya nagdalawang isip na tanggapin ang alok ng kambal.

Ano ang magiging kalalabasan o kahahantungan ng desisyon ni Ariella? Paano pagnalaman na nagpapanggap lang siya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Mariel & Ariella
Mayaman ang mga Dela Luna. Sila ang may pinakamalaking lupain dito sa Baryo Uno. Kumikita sila nang sampung milyon sa loob ng isang buwan. At kagustuhan ng kanilang lola na maikasal ang ang kaniyang apo na si Jaeden Dela Luna para maipasa ang kanyang mana sa mapapangasawa ni Jaeden Dela Luna. Napagdesisyunan ng ama ni Jaeden, Lola niya at ang kaniyang mommy na ikasal kay Mariel Bartolome anak ng isang mayamang negosyante sa Baryo Uno. Si Mariel ang kaisa-isang anak nina Juan Miguel Bartolome Jr. at Maria Bartolome. Si Mariel ay ampon lamang dahil masakitin siya noong sanggol pa siya at dahil hindi kaya ng kaniyang ina na buhayin siya kaya inampon ito ni Miguel at ngayon, si Mariel ay isa na sa may-ari ng kompanya ng kanyang dad. Papayag kaya si Mariel sa gagawing kasalan? Mariel's POV Umakyat ako sa kuwarto at doon umiyak nang umiyak, hindi ko kayang iwan si Jerome nang ganun-ganun na lang. Sa loob ng limang taong pagsasama naming, tapos hihiwalayan ko siya nang dahil lang diyan? Hindi ko naman kailangan ang pera nila, may pera rin ako at wala akong pake sa yaman nila. Mahal ko si Jerome kaya hindi nila ako mapipilit sa kung ano man ang gusto nila. Maya-maya pa ay pumasok si Mommy sa kuwarto ko para pag-usapan na naman ang bwiset na kasalang ‘yan. "Mariel" pagtawag sa ‘kin ni Mom habang papunta siya sa gawi ko. Alam niyang nasasaktan pa rin ako sa mga desisyon nila. Hindi ko binebenta ang puso ko na pwedeng bilhin kahit na sino. "Mom, please do something," paghihingi ko ng tulong. "Anak, wala na akong magagawa pa at hindi ko na mapipigilan ang dad mo at si Brudette sa kagustuhan nila," paliwanag niya. "Wala na akong magagawa, pero may paraan pa naman," dagdag pa niya. "Ano?" "Ito na lang ang ating paraan, puntahan mo dun ‘yung kakambal mong si Ariella. Kumbinsihin mo siyang magpanggap bilang ikaw," sambit pa ni Mom sa ‘kin. Biglang gumana ang loob ko nang masabi ni Mama ang tanging paraan para hindi kami magkatuluyan ni Jaeden at ‘yun nga, si Ariella, ang kakambal ko. Si Ariella ang kakambal ko sa probinsya. Palaging nasasabi ni Yaya Medel na halos carbon copy daw ang mukha namin at wala talagang pinag-iba. Magkamukhang-magkamukha kami talaga. ‘Yan ang sabi niya. Pero kadalasan nabo-bored na ako kay Yaya Medel dahil halos araw-araw na niyang sambitin na magkamukha kami talaga ng kakambal ko. Walang alam si Daddy na may kakambal ako dahil si Mommy daw ang nag-proccess no’ng kinuha nila ako dahil busy no’n si dad. "Alukin mo siya, anak o bigyan mo siya ng pera or anything na papayag siya sa kagustuhan mo," sambit pa ni Mommy. "I can handle this. Mom, ikaw na muna ang bahala sa kompanya ko at uuwi muna ako ng probinsya," sabi ko naman sa kanya. RG'S POV Masayang nag-uusap sa balcony ng Dela Luna's Farm ang magkakapatid na sina Jake, Jameson at Jaeden Dela Luna. Sila ang mga apo ni Madam Brudette Dela Luna. Mahal na mahal ni Madam Brudette ang kaniyang mga apo dahil sa kagustuhan niyang ikasal si Jaeden sa anak ng nakababata niyang kaibigan na si Miguel. Dahil hindi nababagay sa posisyon ni Jaeden ang hinahawakan niyang kompanya na pinamana sa kanya ni Madam Brudette ay napagdesisyunan ito ni Madam Brudette na hanapan siya nang mapangangasawa na humawak ng kompanya. "Excited ka na ba bunso?" pagtanong ni Jake kay Jaeden. "Yes, pero kailangan ko munang hiwalayan si Athena," sagot naman ni Jaeden. "Mahal mo ba?" pagtanong ni Jameson. "Oo pero, mas mahal ko si lola," direktang sagot ni Jaeden. "You'r so kind, bro," sabay nag-apir si Jake. "I love lola. So, I will do anything na ikakasaya niya," sambit ulit ni Jaeden. "So, anong plano mo?" pagtanong ulit ni Jameson. "Plano ko sanang bumisita sa bahay ng mga Bartolome at yayain ng date si Mariel," sagot naman ni Jaeden. "Next week," dagdag pa niya. "Good," singit ni Jake. Lahat sila ay masaya sa desisyon ni Jaeden at mas lalong ikakasaya ni lola Brudette ‘pag nalaman niya ang plano ni Jaeden. Si Jaeden ay napakabait at napakagwapong apo ni Lola Brudette. Marami ang nagkakagusto sa kanya pero si Athena lang ang pinili niya at minahal. Si Athena ay mabait, walang arte at maganda rin naman. Pero kailangan ni Jaeden na hiwalayan si Athena para sa kagustuhan ni Lola Brudette. Naghanda na si Mariel ng mga gamit niya at ready na siya sa mga susunod mangyayari. At ang tanging hinihiling niya ay sana pumayag si Ariella sa kagustuhan niya. Mariel's POV. Nag-impake na ako ng mga gamit upang lumuwas ng probinsya at kailangang hindi ako makita ni Daddy na aalis ako. Tinulungan ako ni Yaya Medel at Mommy sa pagligpit ng mga gamit ko. Tinawagan ko muna si Jerome upang magpaalam at babalikan ko siya pag naayos kuna ang lahat. "Bheb?" pagsagot ni Jerome sa tawag ko. "Bheb, luluwas ako ng probinsya upang alukin ang kapatid ko," paliwanag ko. "Wh-what do you mean?" kunot-noong tanong niya sa ‘kin . "Dad wants me to marry Jaeden," sagot ko. Kaya luluwas ako ng probinsya upang alukin ang kakambal ko upang magpanggap na siya ay ako," paliwanag ko. " I love you, bheb, kaya gagawin ko ang lahat," dagdag ko pa. "Okay, bheb hatid na kita." "Huwag na, ayokong bumiyahe kang mag-isa. Magko-commute na lang ako at kapag natapos ko na ang lahat, babalikan kita diyan," sagot ko naman. "Okay, bheb, ingat ka," mabilis niyang sagot. "I love you," dagdag pa niya. "I love you too, bheb," sagot ko naman. I checked my wristwatch and its already 3:00 in the morning. Kailangan kung umalis ng umaga para hindi ako mapansin ni dad at dali-dali na akong pinalabas ni Mom at si Yaya Medel naman ang lookout sa labas. At nagpaalam na ako kay Mommy at hinalikan ko siya, sumakay ako ng taxi patungo sa bus terminal at sumakay sa bus papuntang Baryo Felicidad. Pagkagising ko ay eksaktong alas singko ng umaga at malapit nang makarating ang bus namin sa terminal ng Felicidad. Tiningnan ko ang magagandang tanawin na nakikita ko at ang sarap ng hangin na humahampas sa katawan mo, you can feel the freshness of air. Minsan ang sarap din mapag-isa at magpahangin para mawala ang mga problema. Kailangan ko itong gawin dahil mahal ko si Jerome at hindi ko siya kayang iwan wala akong pake sa yaman nila. Ilang oras ang nakalipas at nakarating narin ako sa terminal ng Felicidad. Pinasok ko ang ilang eskenita at ang bahay doon ay nagdidikit-dikit lang. Dahil umaga pa ay wala pang masyadong tao. "Tao po!" pagkatok ko sa bahay nila Ariella. Napansin kong parang may umuusok at parang may nagluluto ata at kumatok ako ulit. "Tao po!" At biglang may bumukas. Nagulat kami pareho ng magbukas ang pintuan at si Nanay nga. "Ma-mariel???" gulat na tanong sa ‘kin ni Nanay. "Nay?" At sabay na niyakap ko siya nang mahigpit. "Nakuu! Ba't naparito ka?" tanong niya at parang hindi siya makapaniwala sa mga nakikita niya. "Pumasok ka at baka may makakita pa sa ‘yo dito," dagdag pa niya. "Nay, kailangan ko sana nang tulong n’yo," sambit ko sa kanya. "Oh, heto magkape ka muna. Naku hindi ko akalain anak na dadating ka, ‘di man lang ako nakapagluto man lang. Ang ganda-ganda mo na," sunod-sunod niyang sabi. "Okay lang po," sagot ko. "Anong tulong, anak?" "Gusto ko sanang kausapin si Ariella, dahil may kagustuhan si Dad na hindi ko naman gusto," paliwanag ko. "Ano ba iyon, anak?" "Gusto ni Daddy na ikasal ako sa isa sa pinakamayamang tao sa baryo, pero ayaw ko dahil mahal ko si Jerome. Pero hindi nagpapatinag si Dad dahil gustong-gusto niya na ikasal ako do’n," paliwanag ko. "Kaya pinuntahan mo kami dito ni Ariella?" sagot ni Nanay. "Gusto ko sanang humingi ng tulong kay Ariella, habang nagtatanan kami ni Jerome. Bibigyan ko naman kayo ng pera pang allowance," sagot ko naman. "Kung ako ang tatanungin mo papayag ako anak, pero ang tanong kung papayag kaya si Ariella," sagot naman ni Nanay. "Andiyan po ba si Ariella?" "Hindi mo sinabi, ‘ma, may bisita ka pala," pagsulpot ni Ariella bagong gising siya. "Ara, kapatid mo nandito," singit ni Nanay. "E, ano? Sana naghanda ka dahil andiyan siya," sagot ni Ariella. "Respeto naman, Ara," mahinahong sagot ni Nanay. "Nandito ka pala, Mariel," biglang sagot ni Ariella. "Ariella, magandang umaga," pagtawag ko sa pangalan niya. "Good morning din!" pagmamaktol niya. Siguro galit pa rin siya sa ‘kin dahil iniwan ko daw sila ni Nanay. Pero kailangan kong makipagkapalan ng mukha para sumang-ayon siya. "Gusto ko sanang makipag-usap…" "O siya, kayo na muna diyan dahil may niluluto pa ako," pagtayo ni Nanay at dalawa na lang kami ni Ariella ang natira. "Ariella," pagtawag ko sa kanya. "Oh?" pagsusuplada niya. "Gusto ko sanang humingi ng tulong sa ‘yo," paghihinahon ko. "Naku, busy ako sa palengke. Kung gusto mo, tulungan mo ako do’n," pagsabat niya. "Ariella, seryoso ako humihingi ako ng tulong mo," Ariella's POV. Ang aga-aga biglang nag-init ang ulo nang makita ko si Mariel, ang kakambal ko. Nag-iinit ang ulo ko sa kanya dahil ni minsan hindi man lang siya nagpakita rito. Hindi niya kami naalala ni Nanay na may pamilya pa siya dito sa Felicidad. "Ariella," pagtawag niya sa pangalan ko. "Oh?" sagot ko sa kanya. "Gusto ko sanang humingi ng tulong sa ‘yo," mahinahon niyang sambit sa ‘kin. "Naku, busy ako sa palengke. Kung gusto mo, tulungan mo ako do’n," pagsabat ko. "Ariella, seryoso ako. Humihingi ako ng tulong mo," dagdag pa niya. Hindi na ako sumabat pa at nagbihis na lang ako para magbukas ng paninda ko palengke. “Aling Cora! Aling Cora!” pagtawag ko kay Aling Cora. May utang pa kasi kami ni Nanay sa kanya. "Oh! Hija…" "Pwede sa Linggo na lang kami magbabayad? Ang hina kasi ng benta kahapon." "Oh, sige hija." "Salamat po…" At dali-dali na akong nagbukas ng paninda ko. Ang dali lang kausapin ni Aling Cora pero ‘yung anak niyang si Layla, ang hirap paintindihin. Lagi nga kaming nagbabangayan. "Hi, bebeluvs!" pagtawag sa ‘kin ni Maiko. "Tumigil ka nga, Maiko! Kaaga-aga!" pagsinghal ko sa kanya. "Ito naman ‘di mabiro! ‘Nga pala magde-deliver mamaya ng mga gulay." "Sige," mabilisan kong sagot. Nakalipas ang ilang oras ay umuwi ako at pinabantay ko muna kay Maiko ang mga paninda ko. "Nay" "Oh, anak kanina ka pa do’n hinihintay ni Mariel" sagot ni Nanay sa ‘kin. Nakita kung mukhang matamlay si Nanay at parang nahihirapan siyang huminga. "Nay? Anong nangyari sa ‘yo?" kunot-noo kung tanong. "Wala, anak, kausapin mo na do’n si Mariel at sana payagan mo na siya." "Nay naman, hindi ako bagay na kapag may gusto ka kusa mong ibibigay o ibebenta. Tao rin ako," pagsagot ko sa kanya. "Anak, minsan lang siya humingi ng tulong." "Kahit nga ni minsan ‘di siya pumunta o bumisita man lang tapos ganun-ganun na lang?" pagsagot ko. "Sana pagbigyan mo na siya anak." Pag-alis ni Nanay at alam kung tutungo siya sa tindahan. Pumasok ako sa loob at nagtungo ako kay Mariel. "Ano ba ang gusto mo?" Walang emosyon kong pagtanong sa kanya. "Ariella," pagsambit niya sa pangalan ko. Umupo ako sa harap niya at tinuon ko ang atensyon ko sa kanya. "Gusto ng daddy ko na ikasal ako sa taong gusto niya, pero hindi ko siya gusto at mahal ko si Jerome," paliwanag niya. "Jusme! Gusto mong magpanggap ako na ikaw?" gulat kong tanong. "Ariella," pagmamakaawa niya. "Ikaw lang ang makakatulong sa ‘kin, bibigyan kita kung magkano ang gusto mo," pagpupumilit niya at nagmamakaawa pa siya. "Hindi ko kailangan ang pera mo Mariel, at ‘pag nahuli ako do’n? Ako pa rin ang mananagot," sagot ko naman. "Simple lang naman ang gagawin mo," singit pa niya. "Kahit na," mabilis kong sagot. "Mariel, hindi ako uto-uto para gawin ‘yun," dagdag ko pa. At tumayo ako para kumuha ng kanin nang biglang may nagkakagulo sa labas. "Ariella!" "Ariella," pagtawag sa ‘kin ni Aling Gemma. "Magtago ka bilis!" bulong ko kay Mariel at dali-dali rin siyang nagtago sa kuwarto. "Ariella!" pangatlong sigaw ni Aling Gemma. "Bakit po, Aling Gemma?" Dali-dali akong lumabas. "Yung nanay mo! Biglang natumba, nawalan ng malay!" natataranta niyang sumbong. Hah? Nagsimulang manginig ang mga tuhod ko, tumakbo ako papunta kung saan natumba si Nanay. "Nayy!" Tumulo ang mga luha ko. "Tulungan n’yo ako dalhin natin siya sa ospital," sigaw ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.7K
bc

Billionaire's Twins

read
263.7K
bc

Loving The Billionaire |SPG

read
249.5K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
312.1K
bc

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (R18)

read
453.8K
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook