CHAPTER 18

1434 Words
Pagkatapos ng nangyari sa'min sa may bookstore ay pormal na siyang nagpapakilala kila mama, papa at lalo na sa mga kuya ko bilang boyfriend ko. Bago matanggap nila kuya si doctor wallace na boyfriend ko ay katakot takot na sermon at paalala muna ang natanggap niya bago sumang-ayon sila kuya sa relasyon namin. Madalas na siyang nagpupunta sa bahay at palagi akong sinusundo, pinakilala na din niya ko bilang girlfriend niya kila tita shayne at tito simon na ikinatuwa naman nila. Gusto nga nila ay palagi akong nandun kaso may mga oras naman na maraming pasyente si doctor wallace at hindi din nakakauwi sa kanila. Hindi pa din ako sanay sa presensya niya lalo na at nagiging sweet siya sa'kin. Hoy beshy! Siguro naman may status na kayo ni doctor handsome!? Tanong sa'kin ni kian habang papunta na kami sa locker, kakatapos lang ng huling klase namin ngayon at nagpasya akong puntahan si doc wallace sa ospital pagkatapos ng klase ko. "Di ba sinabi ko na sayo? Paulit ulit ka din eh! Kunway inis kong saad kay kian. "Alam ko ng magjowa kayo! What I mean is, yung alam mo na!? May level na ba ang relasyon niyo? Napahinto muna ko saglit sa paglalakad at hinarap siya. "Anong ibig mong sabihin? "Ang slow mo naman beshy! Humalukipkip pa ito at tinaasan ako ng kilay. "Kung may tinikling ng naganap sa inyo! "Anong tinikling ang pinagsasabi mo? "Kung nagchukchak chenes na kayo! Nanlaki naman ang mata ko sa tinuran ni kian. Kiss nga nahihiya pa ko, yun pa kaya? "O beshy bakit namumula ka? Meron na noh!? Tinignan naman ako ni kian ng may nakakalokong ngiti. "Ano ka ba! Hindi pa namin ginagawa yon no! "Oh my gosh beshy! Ibig sabihin may balak talaga kayong gawin yun ah! Namula naman akong bigla sa kanyang sinabi at napaiwas ng tingin. “Akala ko ba ayaw mo sa isang babaero? Anyare!? E di bumigay din yang puso mo” Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at tinungo ang locker ko, hinintay na lang ako ni kian sa gilid ng locker area. Pinindot ko ang number code ng lock ko pero hindi ko ito mabuksan. Nakailang ulit pa ko pero ayaw pa rin. Napabuga na lang ako sa hangin at tinitigan ang locker ko. Bakit hindi ko mabuksan? Tama naman yung lock code ko? "Beshy may problema ba? Tanong sa'kin ni kian ng makalapit na siya sa'kin. "Hindi ko kasi mabuksan yung locker ko eh, kanina ko pa pinipindot yung lock code ko pero ayaw pa rin" "Ano bang lock code mo? Saglit akong nag-isip at sinabi sa kanya ang code ko. "0423" siya na ang pumindot sa lock code ng locker ko pero hindi pa rin ito mabuksan. "Sigurado ka bang ito yung lock code mo beshy? Tumango ako sa kanya. "Beshy ang tagal mo ng locker yan at hindi ka pa nagpapalit ng lock unless kung nasira yan. Napayuko naman ako at napahilot ako sa aking sentido. Iginiya niya muna ako sa malapit na upuan sa locker area at naupo kami. "Beshy napapansin ko sayo parang may kakaiba sayo. Nitong mga nakaraang buwan nagiging makakalimutin ka, hindi ka naman ganyan dati eh. Saka hindi ako naniniwalang stress yan beshy kasi napapadalas na yan,. Magpacheckup ka kaya beshy? Kasi nag-aalala na ko sayo eh" mataman niya kong tinitigan at ako nama'y maluha luhang tumingin sa kanya. "N-natatakot kasi ko kiana" "Bakit ka naman natatakot beshy? "K-kasi parang alam ko na ang resulta kian, napapansin ko din sa sarili ko yon, iniisip ko na lang na natural lang to, at stress lang pero kian….humikbi muna ko at hinarap siya. "Ayokong malaman ang totoo, natatakot ako kian, natatakot ako para kay doctor wallace. Nag-uumpisa pa lang kami, anong gagawin ko kiana!? Hindi ko na napigilan pa ang humagulgol at niyakap na lang niya ako at inalo. Paano na kami ni doctor wallace pag nagkataon? Paano kung tuluyan ko na siyang mabura sa isip ko? "Beshy pumunta tayo ng ospital, magpacheckup ka na para malaman natin kung ano ang sakit mo, para mabigyan ka ng gamot kung sakali" wika niya ng kumalas na siya ng pagkakayakap sa'kin. "Wag kang mag-alala sasamahan kita okay? Tumango naman ako sa kanya at maya maya at tumunog ang cellphone ko, at nakita kong si doctor wallace ang tumatawag, sinulyapan ko muna si kian bago sinagot ang kanyang tawag. "Hello? "Hi baby! What time ka pupunta dito? "Ahhm, may pupuntahan lang kami saglit ni kiana tapos dederetso na din ako dyan. "Baby are you okay? Bigla naman akong kinabahan sa tanong niya. "Yes I'm okay, why? "Para kasing may iba sa boses mo eh, are you sure you're okay? "O-oo naman doc wallace. Narinig ko pa ang mahina niyang pagbuntong hininga. "Ikaw ata ang hindi okay eh" "Kelan mo ba ko tatawaging baby? Napatigil naman ako dahil sa sinabi niya. Hanggang ngayon kasi doctor wallace pa rin ang tawag ko sa kanya. Samantalang siya puro endearment ang naririnig ko sa kanya sa twing magkasama kami o kaya magkausap. "No need to answer that right now, alam ko namang hindi ka pa sanay. Maghihintay ako baby" napangiti naman ako kahit na hindi niya ito nakikita. "Pupuntahan kita mamaya sa opisina mo antayin mo na lang ako okay? "Yes baby I'll wait for you! I love you! Lalong bumilis ang t***k ng puso ko pagkasabi niya non, para akong malalagutan ng hininga sa kilig na nararamdaman ko. Hindi ko tuloy malaman kung sasagutin ko ba yung I love you niya, kasi kung hindi ko naman sinagot ito napaka unfair ko naman sa kanya. Hindi ko na nga siya tinatawag sa paraang gusto niya pati ba naman yun ipagkakait ko pa. "I-I love y-you too! Nauutal ko pang wika sa kanya, at nakita ko pang napatutop ng bibig si kian na halatang kinikilig. "Ha!? Pwedeng pakiulit? Napakagat labi muna ko at pumikit sandali bago muling nagsalita. "I LOVE YOU TOO! sigaw ko sa kanya sa kabilang linya, hindi ko na siya inantay magsalita ay binaba ko na kagad ang tawag at sapo ko ang aking dibdib dahil halo-halo ang nadarama ko sa mga oras na ito. Ang kaninang takot at pangamba na nararamdaman ko ay napalitan ng saya dahil kay doctor wallace. Tulad ng sabi ni kian, sinamahan niya nga ko magpacheckup sa ospital, nagpalinga linga naman kami pareho dahil baka bigla naming makasalubong si doc wallace, dito din kasi namin naisipang magpacheckup kung saan siya nagtatrabaho. Nasa waiting area kami ni kian at naghihintay na lang na tawagin ang pangalan ko. Ilang minuto pa ang lumipas ay pinapasok na din kami ng nurse na nag-aasist don. Kinakabahan naman akong pumasok sa loob at napansin naman ito ni kian kaya mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay at matamis na ngumiti sa'kin. Nasa loob na kami at maigi akong sinuri ng doctor at sinabi niya din sa'kin na magpalaboratory test at kung ano ano pa. Pinilit na din ako ni kian na isagawa ang mga test dahil nag-aalala na din ito sa kalagayan ko. May ipon naman ako kaya yun ang ginamit ko muna para maisagawa ito kagad kaya hindi na din ako nagdalawang isip pa. Ilang oras din ang tinagal namin bago kami natapos. "Ahhhm kiana" tawag ko sa kanya habang nasa cashier kami at siya naman ay hinihintay ang resibo ng pinagbayaran namin. "Ano yun beshy? "Salamat ha? Hindi ko siguro alam ang gagawin ko kapag wala ka" nagsisimula na namang magtubig ang mga mata ko. "Ano ka ba beshy okay lang! Kaibigan kita" ganon naman ang magbesty di ba nagtutulungan? "Gusto ko sana na tayo na lang munang dalawa ang nakakaalam nito, at kung ano man ang maging resulta" "Sigurado ka ba dyan beshy? Pano si doctor wallace? Beshy doctor siya alam naman natin na malalaman at malalaman niya ang totoo" napayuko ako at dahan dahang kinuha ang kanyang kamay at tinitigan siyang maigi. "S-sasabihin ko din sa kanya pero hindi pa ngayon, h-hindi ko pa kaya" "Sige beshy susuportahan kita, pero kung ano man ang maging resulta nito wag mo na sanang patagalin pa para hindi siya masaktan" tumango lang ako at pagkuwa'y niyakap siya. Simula kasi ng tumuntong ako ng kolehiyo si kian ang una kong naging kaibigan, although may iba din naman akong kaibigan pero siya talaga ang naging close ko sa lahat. Siya na ang naging sandalan ko at karamay sa lahat ng oras. Kaya laking pasasalamat ko dahil dumating siya sa buhay ko, kapag dumating man ang araw na hindi ko siya matandaan, alam ko maaalala siya ng puso ko dahil isa siya sa naging bahagi ng buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD