CHAPTER 1

1137 Words
Johns Hopkins University School of Medicine, located in Baltimore, Maryland “Hey wallace are you going home? Tanong sa’kin ng isa kong lalaking classmate. Kakatapos lang ng huling klase ko at nagmamadali na ko makauwi dahil anniversarry namin ni arriane ngayon. Gusto ko siyang sorpresahin, ang alam niya malelate ako ng uwi dahil may laboratory kami ngayon, sinadya kong hindi siya batiin dahil ang gusto ko pagkauwi ko na lang saka ko sa kanya sasabihin. Nagkakilala kami dito sa america 2 years ago, nakilala ko siya sa isang sikat na restaurant dito sa america at nagtatrabaho siya bilang waitres. Dahil sa angking ganda niya nabighani kaagad ako, palihim ko siyang sinusundan at palagi din akong nagpupunta don sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya. Ang hindi ko alam ay napapansin niya pala yon, kaya simula non hindi na ko nag-atubiling magpakilala sa kanya. Nagdate din kami ng ilang buwan, hindi lang siya maganda napaka bait pa at masayahin. Hindi nasayang ang ilang bwang panliligaw ko sa kanya at sinagot din niya ako. At hindi nagtagal ay nagsama na rin kami sa iisang bahay. Mukha na nga kaming mag-asawa, kasal na lang ang kulang, pero syempre kailangan ko munang magtapos ng pag-aaral ko bilang doctor. At kapag naging ganap na kong doctor ay paplanuhin ko na ang pagpapakasal sa kanya. “yes! My girlfriend is waiting for me” “Okay wallace see you tomorrow! Ngumiti lang ako saka ngmamadaling lumabas ng classroom. Dumaan muna ko sa bakeshop at bumili ng cake, bumili na din ako ng bouquet na alam kong magugustuhan niya. Masaya akong tinatahak ang daan pauwi sa bahay, agad akong lumabas ng kotse at bitbit ang binili kong cake at flowers na ibibigay ko sa kanya. Pumasok ako sa loob ng bahay at patay lahat ng mga ilaw, nagtaka ako kung umalis ba si arriane pero ang sabi niya ay wala daw siyang pasok ngayon. “Hon? Tawag ko sa kanya ng binuksan ko ang ilaw sa salas, tumungo muna ko sa kusina para ibaba ang cake at flowers. Umalis siguro, sabi ko sa aking sarili. Umakyat ako sa kwarto para makapagpalit muna ng damit, pero hindi pa ko nakakalapit sa kwarto ay may narinig akong mga boses. Huminto muna ko saglit at pinakinggan kung saan nanggagaling yun. Napagtanto ko sa kwarto namin ni arriane nangagaling ang mga boses, unti unti akong lumapit at pinakinggan. “aaaaah!! Ohhh fuck!! Harder brandon! Oooh you're so good!! Bigla akong nanigas sa aking kinatatayuan, boses ni arriane ang naririnig ko, nasa tapat na ko ng pintuan at mahigpit ang hawak ko sa seradura. Dahan dahan kong pinihit ito, at ang hindi ko inaasahang makita ang pakikipagtalik ni arriane sa mismong kama pa namin. Kitang kita ko ang kanilang pagniniig at ang hubad nilang katawan. Nakapatong sa kanya ang lalaki at mabilis na bumabayo sa aking kasintahan. Bakit? Bakit niya ito nagawa sa'kin? Anong naging pagkukulang ko sa kanya? Hindi ko na napigilan ang aking sariling lapitan sila, mabilis pa sa alas kwatro ay hinawakan ko sa balikat ang lalaki at inindayog ng suntok. Mabilis itong natumba sa sahig, kita ko ang pagkagulat ni arriane at mabilis na hinablot ang kumot para ipantakip sa kanyang katawan. Wala akong pakialam kung hubot hubad ang lalaki, pinaulanan ko ito ng suntok habang nakaibabaw ako sa kanya, hindi ako tumigil hanggat hindi ko siya nakikitang duguan. Napatigil lang ako ng hablutin ni arriane ang isang braso ko at hilahin ako palayo sa lalaki. Umalis naman ako sa pagkakadagan sa lalaking yon at tinitigan ng masama si arriane na ngayon ay umiiyak na. “Anong pagkukulang ko sayo arriane!? Sabihin mo sa'kin ANO!? Sigaw ko sa kanya na nagpapitlag sa kanya, yumuko lang siya at panay lang ang iyak at hawak hawak nito ang kumot na nakabalot sa kanyang katawan. “Kailan mo pa ko niloloko ha arriane!? Buong buhay ko inalay ko sayo! Lahat binigay ko arriane, pero PUTANG INA NAMAN!! Bakit!? Bakit kailangan mo kong lokohin!? Napaupo ako sa dulo ng kama at sinabunutan ang aking buhok habang umiiyak. Nakita kong pinipilit pang tumayo ng lalaki na ngayoy bugbog sarado na dahil sa’kin. “s-sorry hon, im so sorry, n-napilitan l-lang ako__ “Napilitan!? Putang ina sarap na sarap ka nga!! “Lahat arriane binigay ko sayo! Hindi ako nagkulang, ano pa arriane ha!? Ano pa!? Napaupo si arriane sa sahig at panay na ang kanyang iyak. Tumayo naman ako sa pagkakaupo sa kama at hinarap siya. “huwag kang umiyak dahil hindi ako ang may kasalanan, gusto ko pagbalik ko wala ka na dito sa bahay at kahit isang gamit mo wala na kong makikita dito” mahinahon kong sabi sa kanya ng hindi man lang ako tinitignan. Akmang lalabas na ko ng kwarto ng bigla niyang hawakan ang isa kong binti. “p-please hon, magpapaliwanag ako please! Wag mo kong iwan” Napapikit ako ng mariin at hindi ko pinakinggan ang kanyang sinabi at tuluyan na akong lumabas ng kwarto at mabilis na lumabas ng bahay. Napahinto ako ng nasa harap na ko ng bahay na tinutuluyan namin at doon ko binuhos ang aking galit. Pinagbabasag ko ang mga paso na nasa harap ng bahay nmin at pinagsusuntok ko ang pader, ramdam ko ang kirot at hapdi ng aking kamao pero baliwala yun kumpara sa ginawang panloloko sa’kin ni arriane. “Wallace tama na yan! Kuha ni marco sa isang boteng alak na hawak ko. Magkasama kami dito sa america at pareho ng unibersidad na pinapasukan. Kasalukuyang nandito kami sa bar at ako namay nagpapakalango sa alak. “Tang-ina bro! Ang sakit! Sabihin mo nga sa'kin marco ano bang mali sa'kin ha!? Minahal ko siya ng buong buo! Pero tang ina nagawa pa rin niya kong lokohin! “Wallace walang mali sayo, nagkamali ka lang ng taong minahal” sabay tapik niya sa aking balikat. Lagi akong tinatanong ni marco kung seryoso daw ba ako kay arriane kung nararamdaman ko din bang mahal din niya ako at seryoso din sa'kin ayon pala unti unti na niya akong niloloko, lagi pang sinasabi sa'kin ni marco na wag ko daw masyadong ibigay lahat ng pagmamahal ko sa kanya, ang kaso hindi ako nakinig dahil nabulag ako sa pagmamahal ko sa kanya. Ilang beses namin nakikita ni marco na may iba siyang kasama pero pag tinatanong ko siya ang sagot niya ay kaibigan niya lang at alam daw ng lahat na may boyfriend na siya, kaya mas pinaniwalaan ko siya dahil hindi din naman siya nagbago ng pakikitungo sa'kin, sadyang naging tanga lang ako ng pagmamahal ko sa kanya. “Sana pala mas pinakinggan kita” nakayuko kong wika sa kanya. “wag mong sisihin ang sarili mo wallace, nagmahal ka lang pero sa huli nasaktan. “Hinding hindi na ko magpapaloko sa kahit na sinong babae”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD