CHAPTER 9

1528 Words
Pagkapasok ko ng gate ng bahay namin ay nabungaran ko kagad si kuya clarence na nakapamulsa at halatang kararating lang galing opisina. "Sino yung naghatid sayo? Takang tanong sakin na ang dalawang kamay ay nakalagay sa kanyang magkabilang bulsa. "S-si a-ano k-kuya" pano ko ba sasabihin sa kanya baka magalit, bulong ko sa aking sarili. "Sino celestine? Eto na naman ang maawtoridad na tanong niya, na talaga namang nakakatakot. "Si d-doc wallace kuya" "What!? Sabi ko na nga ba eh. "Bakit ka niya hinatid? "Nagkita lang kami tapos ayon hinatid niya ko" yun lang yon kuya. "Ayoko ng lalapit ka sa kanya ah! Gagawin ka lang non na isa sa mga koleksyon niya! "Nakikipagkaibigan lang naman siya kuya, wala naman sigurong masama don at saka isa pa hindi ko siya papatulan dahil alam ko namang babaero yon! Mahabang paliwanag ko kay kuya clarence. "Bakit namumula yang pisngi mo? Nanlaki naman ang mga mata ko dahil nakalimutan kong nasampal nga pala ako kanina. Magsasalita pa sana siya ng biglang lumabas si mama at nakita kami ni kuya. "Bakit nandito pa kayo sa labas? Anong pinag-uusapan niyong dalawa? Sasagot na sana ko ng si kuya na ang magsalita. "Hinatid kasi siya ma nung doctor na yon! Sabi ko wag masyado mgdidikit don dahil isasama lang siya sa mga koleksyon non" araaay ma! Napahimas naman si kuya sa kanyang braso dahil sa lakas ng pagkakapalo ni mama sa kanya. "Hindi naman siguro ganon! Saka wala naman sigurong masamang intensyon yung tao dito sa kapatid mo. "Paano ka nkakasiguro ha ma? Ikaw na ang nagsabi na buntis ka pa kay celestine non noong huli mo siyang makita" "Ah basta! Tumigil ka na dyan clarence ah! Ayoko ng pagsasalitaan mo ng masama si doc wallace" "Seriously ma!? "Oo! Halika ka na celestine sa loob, hayaan mo na yang kuya mo" sabay irap naman ni mama kay kuya clarence na ngayoy inis na inis kay mama. Kakatapos ko lang maligo ay umupo naman ako sa aking study table at sinimulan kong mag-aral. Bubuksan ko na sana ang aking libro ng makita ko sa ibabaw ang diary ko. Kinuha ko muna ito at binuksan. Naisipan ko namang magsulat muna dito. Dear diary! Masaya ako ngayong araw kasi nakita ko na naman ang crush kong doctor. Siya si doctor wallace miller, may magandang mata na kulay tsokolate, matangos ang ilong at may maliit at mapupulang labi. 11 years nga lang ang age gap namin, mas matanda pa nga siya kay kuya eh. Hahaha. Mabait naman siya ayun nga lang babaero, ayoko sa babaero. Pero crush ko lang naman siya hanggang dun lang yon. Pagkasulat ko non sa aking diary ay isinara ko na ito at tinitigan. Dito nakasulat ang lahat ng mga magpapaalala sa'kin. * * "Hi ma! Bati ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi, nasa garden siya at inaayos ang kanyang mga halaman. "Si papa? "Kanina pa umalis magkikita daw sila ni tito cedric mo" "Sige ma aalis na din ako" tatalikod na sana ako nang magsalitang muli si mama. "Tumawag sa'kin si celicia hinatid mo raw sa kanila si celestine? Masayang hinarap naman ako ni mama pagkabanggit niya ng pangalan ni celestine. "Ah oo ma, nakita ko kasi siya kasama yung kaibigan niya sa isang mall. "Bakit mo naman siya hinatid? Nakangiti pa rin si mama sa'kin at hinihintay ang aking sagot. Ano naman ang isasagot ko? Na sinampal siya ng kadate ko? Alam kong magagalit si mama kapag sinabi ko yun. "Wala lang ma inalok ko lang siya na ihatid sa kanila" "Ay mabuti naman hijo! Napapalakpak pa siya pagkasabi non. "Mabuti at sinunod mo ang sinabi ko sayo? "Ang alin ma? Takang tanong ko sa kanya. "Na idate mo siya, dahil siya ang gusto ko para sayo, at alam ko siya ang makakapagpabago dyan sa pagiging manyak mo! "Ma, I have my needs lalaki ako hindi pwedeng mawala sa isang lalaki yon, saka hindi ko siya dinedate" "Anong ginagawa niyang palad mo? kahit ilang beses ka pa labasan" napamulagat naman ako sa sinabi ni mama. "Ma she's too young okay! "E ano naman!? Bakit si vic sotto nga at pauleen luna halos magtatay na sila eh, e kayo ilang taon lang ang agwat niyo" Wala na finish na talo na talaga ko sa mama ko lagi na lang may pang counter sa'kin. Sabi ko na lang sa aking sarili. "Basta idate mo siya anak itry mo lang, wala namang mawawala eh" "Sa'kin ma malaki ang mawawala. Mawawalan ako ng ano… you know! "Tumigil tigil ka dyan wallace ah, gugupitin ko yang upo mo para wala ka ng dahilan pa! Napabuntong hininga na lang ako dahil wala na talaga akong magagawa. Pinipilit ko ng makaiwas, pero sadyang pinaglalapit talaga kami ng tadhana. "Oh wal wala ka ata sa mood? Tanong sa'kin ni jake ng makasakay na kami sa elevator. "Wala ka sigurong potpot no? Pang-aasar ni jake sa'kin, mabuti na lang at dalawa lang kaming nakasakay at walang ibang nakakarinig. "Si mama kasi pinipilit akong makipagdate don sa anak nong bestfriend niya" nakasimangot ko namang sagot. "E d makipagdate ka, di ba yon naman ang ginagawa mo? Tapos deretso kama, ano pa bang bago dun? Bago ko sumagot ay lumabas muna kami ng elevator at naglakad patungo sa aking opisina. "She's different hindi siya ganong klaseng babae" "Oooh! You mean she's innocent huh? "Yeah right! I dont like that kind of girl, you know me jake" "Bakit hindi mo kaya itry magseryoso? Its been years wal! Umupo naman siya sa sofa at ako naman ay sa aking swivel chair. "Para ano? Para maranasan ko ulit kung gaano kasakit yung nangyari sa'kin non? "Wal tulad ng sinabi mo she's innocent bakit kaya hindi mo siya kilalanin? Lahat naman tayo wal nasasaktan kasi nagmamahal tayo, masyado ka lang nabaliw sa pagmamahal noon kaya sobra kang nasaktan" natahimik ako sa sinabi ni jake. Totoo naman ang mga sinabi niya. Nagkaron na ata ko ng trauma kaya hanggang ngayon hindi pa rin ako sumusubok magmahal ulit. Pero nang una kong makita si celestine, hindi ko alam kung bakit parang bumilis ang t***k ng puso ko nun. Oo nga at maganda siya, marami din nman akong nakikilalang magaganda, pero siya kakaiba ang epekto sa'kin na hindi ko maipaliwanag. Kailangan kong pigilan kung ano man tong nararamdaman ko, hindi dapat ako magpadala. "Pag-isipan mo wal yung mga sinabi ko sayo" tumayo na siya at tuluyan ng lumabas ng aking opisina. Napasandal naman ako sa aking upuan at pumikit. "Huy beshy kumusta na kayo ni doctor wallace? Nakangisi akong binalingan ni kian at inirapan ko lang ito. “Anong kumusta ka dyan!? Tigilan mo nga ko sa mga pang-aasar mo” Palabas na kami ng silid dahil kakatapos lang ng huling klase namin. Naabutan ko naman si chris na nakatayo malapit sa may pintuan sa labas at alam kong ako ang hinihintay niya. "Hi! Nakangiting bati niya sa'kin. "Chris ikaw pala, kanina ka pa? "Hindi naman kakatapos lang din mg huling klase ko" "Sige na beshy kita na lang tayo bukas, tutal may kasabay ka na namang umuwi eh" "Sumabay ka na lang din sa'min kiana" sabi ko sa kanya. "Ano ko chaperone? Sige na para naman may quality time kayong dalawa! Bye beshy! Hindi ko na siya napigilan dahil mabilis itong tumakbo palayo. "Kiana naman! Sigaw ko ng hindi pa siya gaano nakakalayo. "Kita na lang tayo bukas! Kumaway pa siya at nag kunwaring kinikilig. "Hatid na kita celestine" "Ah, s-sige" wala kaming imik habang nasa sasakyan kami. At maya maya ay ako na ang bumasag ng katahimikan. "Aahmm, chris" "Hmmmn? Sinulyapan niya muna ko saglit at binalik ang tingin sa daan. "P-pwede bang maging magkaibigan na lang tayo? Ngumiti muna siya at saka nagsalita. "Alam ko naman noong una palang na ayaw mo sa'kin eh" may himig ng lungkot niyang wika. "Hindi naman sa hindi kita gusto, gusto kita chris kaso bilang kaibigan" "I know celestine, okay lang naman basta wag mo lang akong iwasan. "Oo naman! Nakita kong sumilay ang ngiti niya sa mga labi. "Salamat pala sa paghatid ah" saad ko ng makababa na kami ng sasakyan niya at nasa tapat kami ng aming gate. "Wala yon, so magkaibigan na tayo ah? Natawa naman ako sa kanyang tinuran dahil halatang nahihiya ito pagkasabi nun. "Oo friends! Nilahad ko naman ang aking kamay at malugod naman niya itong tinanggap. "Hindi ka na ba muna papasok? "Hindi na celestine, baka kasi nandyan na mga kuya mo eh" "Natatakot ka ba sa kanila? Tumawa ko ng bahagya. Dahil twing pupunta na lang siya dito sa bahay ay parang lagi siyang dinadarag ng dalawa kong kapatid. "M-medyo, nag-aalangan naman niyang sagot. "Pasensya ka na dun sa dalawa kong kapatid ah? Ganon lang talaga yung mga yon, "Dont worry celestine naiintindihan ko naman, alam ko namang pinoprotektahan ka lang nila. Ngumiti lang ako sa kanya. "Sige celestine mauna na ko ah" "Ingat ka chris" pumasok na siya sa kanyang sasakyan at hinintay ko muna ito makaalis. Papasok na sana ko ng may napansin akong pamilyar na black SUV sa di kalayuan. Kamukha lang siguro, ipinagkibit balikat ko na lang ito at pumasok na ko sa loob ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD