CHAPTER 15

1236 Words
Isang linggo na ang nakalipas matapos ang nangyari sa bar ay nagpasya na rin akong pumasok sa school. Inayos ko ang aking sarili bago ako bumaba, inalis ko na rin sa isip ko ang nangyari sa'min ni chris. Bago ko makababa ay may narinig akong mga nag-uusap. Tumingin ako sa relo kong pambisig alas syete pa lang ng umaga. Sino kaya ang bisita ng ganito kaaga? Sabi ko sa aking sarili. Nagpatuloy na ko sa pagbaba at nagtungo kung nasan sila mama at papa. "Ma aalis na po__ hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng mapadako ang tingin ko kay doc wallace. "D-doctor wallace, ano pong ginagawa niyo dito? "Ah hija anak, s-sige na umalis ka na at mahuhuli ka na sa klase mo sumabay ka na din kay wallace" nakangiting bungad sakin ni mama. "Po!? Papalit palit ang tingin ko sa kanila na parang may tinatago sila sa'kin. "Nasan pala sila kuya? "Kanina pa sila umalis princess, hala sige na my princess umalis na kayo at mahuhuli ka na sa klase mo" pagtataboy sa'kin ni papa, kaya wala na din akong nagawa kundi sumunod. "Siyanga pala doc wallace salamat sa pagtatanggol mo sa'kin nung nakaraan, hindi pa kasi ko nakakapagpasalamat sayo ng normal eh, wika ko ng nasa sasakyan na kami sinulyapan naman niya ko at dumako ulit ang tingin niya sa daan. "Wala yon, mabuti na lang pala at nakita kita, bakit ba kasi iniwan ka ng kaibigan mo don sa lalaking yon? "Aaahmm, ano kasi si kian eh dapat pauwi na kami non, ang kaso__ hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil kung ako ang tatanungin ayoko ng maalala pa yon. "Ah I'm sorry, hindi ko na sana pinaalala sayo" "Okay lang" "If you're thankful, date me? Mabilis akong napatingin sa kanya, kung tama ba ang narinig ko. "A-anong sabi mo? "I said date me" hindi pa rin naaalis ang tingin ko sa kanya hanggang sa namalayan kong nasa tapat na pala kami ng school. Imbes na sagutin siya ay nagmamadali akong bumaba ng kanyang sasakyan at mabilis na naglakad papasok sa loob ng campus. Sapo ko ang aking dibdib hindi dahil sa hinihingal ako, kundi dahil sa kaba at lakas ng kabog nito. Anong pumasok sa isip niya at gusto nito ako idate? Inayawan na ba siya ng mga babae niya? Napairap na lang ako sa ere at pagkuway nakita kong papalapit sa'kin si kian. "Beshy!! Masayang bati nito ng makalapit na sa kinaroroonan ko at niyakap ako ng mahigpit. "Makayakap ka naman akala mo matagal tayong hindi nagkita" sabay kawit ko sa kanyang braso. "Okay ka na ba? May himig ng pag-alala niyang wika. Huminto naman ako sa paglalakad at hinarap siya. "Wag ka ng mag-alala okay na ko, saka ayoko ng maalala pa yon. "Sige beshy, promise talaga hindi na kita aayain don, itinaas pa nito ang kanyang palad na parang nanunumpa, natawa naman ako sa kanyang tinuran at naglakad muli. "Oo nga pala beshy ngdrop na si chris, sinabi ko lang sayo para hindi ka na mag-alala kung makita mo siya dito. "Ah ganun ba? Sa totoo lang talaga naaawa din ako kay chris pero mas nangingibabaw ang galit ko sa kanya. Mas mabuti na rin ang hindi na kami magkita pa. * "Good morning! Bati ko sa mga nurse na nasa nurse station. At hiningi ko naman ang chart ng pasyente. "Doc wallace parang may kakaiba sayo? Nakahalumbabang tanong sakin ni nurse yvette. "Kakaiba? Ano naman yun? Ipinilig pa nito ang kanyang ulo na parang nag-iisip. "In-love ata si doc wallace! Si nurse gina na ang sumagot. "Oo nga! Yun nga! Tama ka dyan nurse gina" nag-apir naman ang dalawang nurse at tinignan ako ng makahulugan. "What? Takang tanong ko sa dalawa "Totoo ba doc wallace? Isa ka na rin sa namaligno na tulad ni doctor marco? "Ha? San niyo naman nakuha ang balitang yan ah? "E di sa itsura niyo? Sabay na sagot nilang dalawa. "Halata po kasi sa itsura niyo doc na inlavey na kayo! And who's that lucky girl doc? Nangingiting tanong ni nurse gina. Pero paano naman nila nalaman kung inlove na nga ako? Masyado na bang halata sa kilos ko? Mga tanong sa aking isipan. "Namamalikmata lang kayo! Wala namang nagbago sa'kin noh" "Meron doc wallace! "Alin yon? "Yung klase ng ngiti mo ngayon" natahimik naman ako sa kanyang sinabi at napalunok ng ilang beses. Mabuti na lamang at dumating si marco kaya hindi ko na nasagot pa ang dalawang makulit na nurse. "Hey marco! Bati ko sa kanya at ngumiti lang ng tipid. "Hows mace? "Ganon pa din, pero hindi pa din ako nawawalan ng pag-asa, I know one of these days ay magigising na siya. "Dont worry marco, she will be fine and also your babies. You will be a father soon" tapik ko naman sa kanyang braso. Hindi naman ako mapakali sa aking opisina at paroot parito ako dahil iniisip ko yung sinabi ko kay celestine kanina. Baka isipin pa niya na katulad pa rin ako ng dati. "s**t! Mura ko ng mahina at pabagsak na naupo sa sofa ng aking opisina. Pumikit ako ng mariin at ipinatong ko ang braso ko sa aking noo. Nasa ganoong ayos ako ng maabutan ni jake na pumasok sa aking opisina. "Mukhang problemado ah! Napamulat naman ako at nakita ko si jake na nakaupo na sa aking harapan. "May iniisip lang ako"nanatili pa din akong nakasandal sa sofa. "Ano naman yun? Sa pagkakaalam ko hindi ka namomroblema kung pano ka makakapotpot" "Gago ka din eh no! Sinamaan ko naman ito ng tingin, pagkuway humalukipkip ito at nakangisi naman akong tinitigan. "Isa lang ang ibig sabihin niyan wal" in-love ka na nga? Tinignan ko muna siya ng seryoso at napaayos ako ng pagkakaupo. "Akala ko hindi ko na ulit to mararamdaman"kala ko tuluyan ko ng sinarado tong puso ko, pero sa hindi inaasahang pagkakataon muling may nagbukas ng pinto ng puso ko" "Matagal na naming alam wal na hindi mo pa rin tuluyang sinasara yang puso mo, dahil hindi pa dumadating ang tamang babae para sayo. "Katulad nga ng sinabi mo, sa hindi inaasahang pagkakataon may nagbukas niyang puso mo. And I know she's the right girl for you. "Paano mo naman nasabi? "Wal matagal na tayong magkaibigan at kilala na kita" sa dinami dami ng babaeng nakadate mo at nakapotpotan mo, ni minsan hindi kita nakitang nagkaganyan bukod kay arriane. "Tsss! Ngisi ko sa kanya. "Well wal, siya na talaga ang nagpabago sayo, kaya pala walang potpot na nagaganap kasi nakareserba na pala sa iba yang kamote mo! Humagalpak naman siya ng tawa at naiiling akong tinitigan. "Pwede ba jake lumayas ka na nga dito, panira ka talaga eh, wala ka talagang kwenta kausap! "Bakit ikaw lang ba pwede mambwisit? Samantalang pag pumupunta ka sa opisina ko puro kamanyakan bukambibig mo! Nainlove ka lang naging disente ka na? Pati yang kamote mo napapabayaan mo na hindi mo na nadidiligan, nasan na yung sinasabi mong VITAMIN S!? "Kasama yon sa pagbabago ko! Sabay irap ko dito. "Wooooah! Good influence pala siya! Kasi si wallace the maniac naging descent na" love change you talaga. Natatawa naman niyang sabi sa'kin. Totoo ngang nagbago ko dahil kay celestine, siya din ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog at wala sa sarili nitong mga nakaraang araw. Gagawin ko ang lahat para kay celestine at papatunayan na hindi na ako ang wallace na una niyang nakilala noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD