Biglang huminto ang nahintakutang kabayong kinasasakyan namin ni Gavin at tumayo ang mga ito sa dalawang paa habang sumisipa sa ere ang dalawang paa sa harap nito. “Diletta!” alalang sigaw niya. Kasabay nito ay ang pagmura ko. Agad na pinakalma ni Gavin ang kabayo niya saka bumaba siya. Samantalang ako ay lumundag na mula sa hayop at napayuko dahil sa pagpapaputok na naman ng baril. Yati! Sino naman ang isang ‘to at sinong nag-utos sa kanya? Nag-alala ako sa tatlong kapatid kong nasa unahan. Nakita kong puro na sila nakababa sa kanilang kabayo at naiwan na ng mga hayop na tumatakbo pabalik sa dinaanan namin. Hinila ako ni Gavin upang hindi masagasaan ng mga ito at napagulong-gulong kami sa lupa. Pilit niyang protektahan ang ulo at katawan ko kaya siya ang mas nagkaroon ng pinsala. Rini