Agad kaming dumiretso sa bahay ni Gavin nang masiguradong ligtas na si Atty. Valdez. Nagpaplano na kami ni Gavin kung ano ang gagawin bukas dahil nalaman na namin kung sino ang nasa likod ng pagkamatay ni Mama at sa pagtangka sa buhay ko nang ilang beses na rin⸺salamat sa diary ni Mama. Dapat naming makausap si Matías na lolo ko pala. Kailangang malaman niyang ang isang babaeng anak niya sa labas ang nagtangka sa buhay ko. Malamang simula noong nasa Dumaguete pa ako, ‘yong nasa mall ako, siya ang may pakana. Buti na lang aanga-anga ang taong iyon at nakaligtas ako. Iyon nga lang ay namatay ito sa ospital pagka-coma kaya walang pinatunguhan ang imbestigasyon ng mga pulis. Ipinagtagpi-tagpi na lang namin ni Gavin ang mga nakuha naming impormasyon at ang pulis na ang bahala para mag-imbest